Guro Sinorpresa ang Kaniyang mga Estudyante ng Lechon at Boodle Fight Pagkatapos ng Matinding Exam




Hindi lahat ng estudyante ay may ganang pumasok sa eskwelahan araw araw. Maraming mga bagay kung bakit mahirap hikayatin ang mga ito upang maging mabuti sa pag aaral. Marahil isa sa mga dahilan a ang mahigpit na mga guro at mahihirap na mga exam. Kaya naman may ibang mga guro ang gumagawa ng solusyon para aliwin at ma-motivate ang kanilang estudyante para pumasok sa eskwelahan araw araw.
Inilalarawan ng kanyang mga estudyante na mapagbigay si teacher Floyd Tolentino. Isang guro na nag viral sa social media dahil inilibre niya ang kanyang mga estudyante ng boodle fight at lechon pag katapos ng kanilang final exam. Makikita sa kanyang Facebook account ang ilang mga larawan na kuha ni Sir Floyd na ang papakita na inilbre niya ang kanyang mga estudyante pag katapos ng kanilang exam. Sa inyong mapapansin, walang pagkakataon mag kopyahan ang mga estudyante dahil nag lagay si Sir Floyd ng malalaking puzzle mat upang gawing pang harang. Hindi madali ang inihandang exam ni Sir Floyd ngunit ipinaghanda naman niya ang kanyang mga estudyante ng boodle fight kung saan may lechon, kanin, at iba pa.

Na-enjoy naman ng kanyang mga estudyante ang kanyang inihandang lechon. Paalalahanan natin ang ating mga sarili bilang mag aaral na maging mabuti at sumunod sa ating mga guro dahil ang gusto lang nila ay ang nakakabuti para sa kanilang mga estudyante at mabigyan nila ito ng kalidad na edukasyon. Nangako sila bilang isang guro para gawin ang kanilang makakaya at hindi natin sila masisi kung minsan sila ay nagiging mahigpit sa kanilang mga estudyante. Siguradong maaalala siya ng kanyang mga estudyante dahil sa kanyang ginawa! 
Dahil sa kanyang ginawa, nag pasalamat ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng pag comment sa kanyang Facebook account. Pasasalamat ang hatid ng kaniyang mga estudyante sa kabila ng higpit nito sa kanila dahil sila ay natuto at bonus pa dito dahil ang kanilang guro ay mabait naman sa kabilang banda! 


+ There are no comments

Add yours