Hinangaan Ang Isang Paaralan Na Naglunsad Ng Zero-Waste At Gumamit Ng Mga Bao Ng Niyog At Bamboo Mugs Sa Kanilang Canteen
Isang problema sa ating bansa ay ang pagdami at pagtambak ng mga basura tulad ng plastic. Bukod sa nakakasira na ito sa kalikasan ay nakakaapekto rin ito sa mga hayop sa ating kagubatan at sa dagat.
Isang solusyon lamang ang dapat gawin upang mabawasan ang pagdami ng basura, ito ay ang pagbawas sa paggamit ng mga plastic at pagsulong sa pagrerecycle at paggamit ng mga biodegradable materials.
Isang public school sa Negros Occidental ang hinanggaan ng marami dahil sinolusyonan nila ang pagdami ng basura sa kanilang paligid. Inilunsad nila ang kanilang ‘Wala Usik’ School Canteen at ipinatupad ang zero-waste, plastic free na kultura sa paghahain ng mga pagkain para sa kanilang higit 400 na estudyante at faculty.
Ang salitang ‘usik’ ay nagmula sa Hiligaynon na ang ibig sabihin ay ‘aksaya.’
Ang eco-friendly na eskwelahan na Bulata National High School ay gagamit lamang ng mga biodegradable at reusable na mga kagamitan tulad ng mga bamboo mugs, bao ng niyog at dahon ng saging sa kanilang school canteen.
Hangad rin ng school canteen na i-promote ang healthy eating sa pamamagitan ng pagkain ng mga fresh at local produce at iwasan na ang pagtitinda ng mga prinosesong pagkain na nakabalot sa plastic.
Pinangungunahan ang programang ito ng kanilang principal na si Mr. Eiggy Duller Yap. Nalaman niya ang epekto ng mga basura sa ating kapaligiran at natural resources noong mag-attend siya ng Danjugan Island’s Marine and Wildlife Camp.
Mas lalo siyang nainspire ng Wala Usik Sari-sari store na inilunsad ng isang barangay sa Bulata noong April. Kaya naman naisipan niya na i-adopt ang model na ito at bawasan ang plastic waste sa kanilang paaralan.
Mas lalong pinaganda ng mga volunteers ng Association of Negros Artists ang Wala Usik Canteen ng Bulata National High School ng pintahan nila ang mga pader nito ng mga makukulay na marine life na may temang “More Fish, Not Plastic.”
+ There are no comments
Add yours