Hinihikayat Ng Isang Netizen Ang Mga Tao Na Bumili Ng Paninda Ng Isang Masipag Na Lolo Na Nagtitinda Sa Footbridge



Mayroong mga tao na patuloy pa rin ang paghahanap buhay kahit sila ay may edad na. Madalas ang rason nila ay kinakailangan nila itong gawin para may pangkain at panggastos araw-araw.
Kung iisipin, dapat ang mga matatanda ay nagpapahinga na lamang sa bahay at hindi na gumagawa ng mga mabibigat na trabaho. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay tinitiis na lamang nila ito at sinusubukan para ring maging positibo sa kabila ng lahat. 
Nakapukaw ng pansin sa isang netizen na si Benj Samson ang isang matandang lalaki na naglalako ng mga paninda sa isang footbridge sa Quezon City. 
Bakas sa mukha ng lolo, na kahit sa gitna ng mainit na panahon ay naka-ngiti pa rin siya habang hawak-hawak niya ang isang stainless na tray na naglalaman ng iba’t ibang uri ng tinapay na nakatakip ng malinaw na plastic. 
Saad ng netizen sa kanyang post,
“If you see lolo on the footbridge of SM North EDSA, buy from him please, even if you don’t need to. Hardworking and good people like him deserves much more.”

Sa post ni Samson ay hinihikayat niya ang mga dumaraan sa may footbridge na iyon na bumili sa  paninda ng masipag na matanda bilang pagtulong na rin sa kanya. 

Samantala, maraming netizens naman ang nag-react sa mga larawan at nakikilala nila ang matanda. 
Ayon sa ilang mga post ay dati na raw nagtitinda doon si lolo at noon pa nga ay lumpia ang tinda niya. Pinatunayan din na tunay na mabait at masipag siya sa pagtitinda at minsan ay nasisilayan pa siyang nagtitinda hanggang gabi. 
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Banana cue, puding, tinapay, lumpia, gulay, binilhan namin siya tagal ng oras niya kalong ung lalagyan ng paninda niya para kumita marangal na hanap buhay. saludo po ako kay tatay.”

“Lagi bumili wife ko kay tatay kapag dumadaan ng foot bridge papunta SM North. Nakatayo siya for hours habang dala niya yung tray ng mga tinapay. Before lumpia tinda niya.”

“Siya yung nasa overpass lagi na sobrang sipag mag benta kahit umuulan.”

“The man deserces a big salute! Kahit mahirap ang trabaho ni lolo, basta namumuhay ng marangal, I can really respect that!”

+ There are no comments

Add yours