Ibinahagi Ng Isang Estudyante Ang Paraan Niya Para Mabusog Nang Hindi Gumagastos Kahit Isang Sentimo
Minsan, sa dami ng mga pinapabaong ulam ng mga magulang sa kanilang mga anak na pumapasok sa eskwelahan ay hindi lahat ito nakakain at nasasayang na lamang. At dahil sa taas ng mga bilihin ngayon, dapat lang na walang nasasayang na pagkain.
Isang estudyante ang nagviral dahil sa kanyang tipid goals na nagagawa araw-araw. Ibinahagi ni Kim Punzalan kung paano siya nakakatipid sa pagkain nang hindi gumagasta ng kahit isang sentimo at ang puhunan lang niya ang plato.
Sa kanyang post, sinaad niya sa caption na,
“Paano mabusog nang di gumagastos? #BringYourOwnPlate”
Makikita sa mga larawan na kanyang ishinare na dala lamang niya ay isang plato, kutsara at tinidor. At sa huli ay makikita na napuno na ang kanyang plato ng mga pagkain na tiyak na mabubusog naman siya.
Sa ilang mga larawan ay makikita si Kim na nakiki-share sa mga baon ng kanyang mga kaklase. Mayroong nagbigay sa kanya ng ilang pirasong hotdog, adobo, pritong karne, siomai at kanin. At bukod dito mayroon pa siyang chocolate cake pang dessert pangontra umay.
Mayroon mang mga ibang nagsasabi na hindi tama ang kanyang ginagawa at makapal ang kanyang mukha dahil sa panghihingi niya ng pagkain sa kanyang mga kaklase, ngunit kung iisipin ay napakaraming pagkain ang nasasayang ng ilan dahil hindi naman nila lahat ito nauubos.
Mayroon din namang mga natuwa dahil sa pagiging wais ng estudyante at tiyak na makaka-ipon nga siya sa kanyang ginagawa. Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:
“Kung minsa lang, ayos lang naman. Pero kung sa loob ng isang linggo eh isang beses ka lang magbabaon the rest eh buraot ka. Kung ano ko hinihingan mo, aba paampon ka na din sakin!”
“Tamang kwento lang at pang-uuto. Parang naka buffet. Various choices.”
“Mas matindi dati takip lang ng tupperwear hahaha.”
“Parang eat all you can lang ah.”
“Galing mo Kim, palagay ko marunong kang makisama kaya ganyan sila sayo.”
hindi naman naman mganda na araw araw ka nalng aasa sa mga kaklase mo… pangit tingnan…
Ok ka Kim, pero sana huwag palagi kasi baka maka sanayan mona yan, hindi maganda ang pambuburaot sa kapwa, bandang huli ikaw ay iiwasan at kakainisan.
OK lang yan pero wag mo araw – arawin 🙂 minsan ikaw naman mamigay sa mga hinihingian mo.