Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens



Sa pagsapit ng pasukan o unang araw ng klase, kadalasan ang mga estudyante ay mayroong mga bagong gamit tulad ng uniporme, sapatos, libro, notebook, at bag. Ngunit para sa mga pamilyang kapos ang budget, hindi na sila nakakabili ng mga bagong mga gamit.
Ngunit dahil ang mga magulang ay handang gawin ang lahat para sa kanilang mga anak, ang isang ama na ito ay hinangaan dahil ginawan niya ng sariling bag ang kanyang anak na siya pa mismo ang nagtahi.
Isang ama ang nagviral dahil na-impress sa kanyang ang mga netizens dahil sa kanyang ginawang hand-woven bag para sa kanyang anak na papasok sa eskwela. 
Ibinahagi ng netizen na si Sophous Suon ang mga larawan ng kanyang estudyante na taga Battambang Province sa Cambodia na may nakasabit na bag sa likod na kulay blue. Kung pagmamasdan ng mabuti, ang bag ay gawa sa raffia strings na mula sa isang fibrous plant na tulad ng abaca.
Nakilala ang bata na si Ny Keng, isang first grader pupil sa Lumphat Primary School sa Cambodia. 
Ayon sa guro, ang ama ng bata ay kapos sa pera upang ibili siya ng bagong bag. Ngunit dahil gusto ng bata na mayroon siyang magamit sa pagpasok sa eskwela ay naisipan na lamang niya itong ipagtahi ng sariling bag. 

Dahil sa husay ng pagkakagawa ay naimpress ang guro sa obra ng ama ng kanyang estudyante kaya naman proud niyang ibinahagi sa social media ang mga larawan ng finished product. 
Napakasimple mang tignan ng bag dahil mayroon lamang itong maliit na lock at straps ay namangha pa rin ang mga netizens dahil gawa ito ng pagmamahal ng ama para sa kanyang anak.
Hindi man nabilhan ng ama ng bagong bag ang kanyang anak ay tiyak naman ang halaga nito ay walang makakapantay.
Samantala, sabi naman ng ilang mga netizens na maaaring gawin ng ama ito bilang isang business para pandagdag sa kanilang kinikita sa araw-araw.

Leave a Reply to Unknown Cancel reply