Isang Filipino Engineer ang Nag-Imbento at Gumawa ng School Chairs Gamit ang Recycled Plastics




Isang Filipino Engineer ang nag recycle ng mga plastik na galing sa basura upang gawin itong upuan para magamit sa mga eskwelahan. Likas sa ating mga Pilipino ang maging malikhain. Kilala rin tayo sa pagiging masipag, mapamaraan, at may talento sa lahat ng trabaho. Kaya naman pinupuri ng ibang mga bansa tayong mga Pilipino dahil sa ating galing at sipag sa trabaho.
Nakaisip ng magandang ideya ang isang pinoy engineer na mula sa Mindanao kung paano gawing makabuluhan ang isang plastik na mula sa ating mga basura. Ang pangalan ng inhinyerong ito ay si Winchester Lemen, isang mechanical engineer na mula sa Davao City. Nakaisip siya ng paraan kung paano i-recycle ang mga plastik at gawing upuan na magagamit sa eskwelahan. Ang kanyang layunin ay mag recycle ng mga plastik at siya ang may ari ng “Envirotech Waste Recycling” isang proyekto na kung saan ginagawang upuan ang mga gamit na plastik.

Nangongolekta sila ng mga plastik na kung saan hinahati nila ito sa malilit na piraso, hinuhugasan, tinutunaw, at saka bubuuin hangang pinturahan na nila ito. Ang proyketo niyang ito ay hindi lamang nakaka apekto sa ating kalikasan ngunit nakakatulong din ito sa ating mag aaral. Ayon naman sa United Nations Environment Programme, ang ating bansa ay naka gawa ng 6875.84 toneladang plastik sa araw-araw. 
Ang proyekto ni Winchester ay nag viral matapos bumisita sa kanyang planta at tinanong kung anong gagawin niya sa mga nakolektang mga plastik. Simula noon, inipon nya ang mga plastik mula sa landfill at tinunaw ito upang gawing mga bangko. Namangha ang bisita at dali daling umorder ng dalawang daang upuan. Maraming mga netizens din ang natuwa sa ginawa ni Lemen dahil sa angking talento at kakayahan nito na talagang nagpapatunay na isa nanamang Pinoy ang nakakamangha at maaring ipakilala sa mundo sa angking galing at tatak ng pagkaka-Pinoy!


+ There are no comments

Add yours