Isang Paaralan Inihanda Ang Mga Libreng School Supplies At Uniporme Para Sa Kanilang Mga Estudyante



Ilang linggo bago magbukas ang klase ay nagsagawa ang bawat paaralan ng pag-aayos ng mga classrooms at pag-papaganda ng mga eskwela. Dito ay nakita ang pagtutulungan at pagbabayanihan ng mga guro, magulang at mga volunteers. 
Ngunit ang isang paaralan na ito sa Mandaluyong ay pinuri ng mga netizens dahil inihanda na nila ang lahat ng mga kakailanganin ng mga batang nagbabalik eskwela. 
Dahil tumataas na ang presyo ng mga school supplies tulad ng bag, papel, notebook, libro, uniporme, at iba pa, minabuti ng paaralan na ito na ipamahagi ang libreng mga kagamitang pang-eskwela ng mga bata.
Ibinahagi ng isang netizen na si Roselyn Napoles ang mga larawan na may caption na, “Ganito kami sa Mandaluyong, all set on Monday ikaw na lang ang kulang.”

Sa pagtutulungan nila ay nai-distribute nila ang mga supplies sa mga magulang para sa kanilang mga anak. Wala na silang poproblemahin sa paggastos ng gamit, kundi papasok na lamang ang mga bata.

“All efforts paid off cause of the parents smile and happiness upon handed those things and mostly, the children who wore it in this first day of school year.”

Makikita sa larawan na naka-distribute na kada upuan ang mga school supplies at kukunin na lamang. Bukod sa mga notebook at libro ay namigay rin sila ng mga libreng school uniform, PE uniform, medyas, bag at rubbershoes.
Tiyak na ang bawat bata na nakatanggap nito ay sabik ng makapasok sa paaralan dahil bago ang kanilang mga gamit. 
Samantala, ninanais rin ng ilang mga netizens na sana ay gawin din ito sa ibang mga eskwelahan lalo na sa mga batang walang perang pambili ng mga bagong gamit pang-eskwela.
“Sana lahat ng school sa Pinas ganyan.”

“Pwede sana all ang sarap sana sa pakiramdam.”

“Ang galing naman jan sa inyo.”

“Wow, matutuwa agad ang mga bata niyan.”

“Gaganahan ang mga bata niyan. Keep it up!”

+ There are no comments

Add yours