Isang Paaralan Sa Imus, Cavite Naka-tiles Ang Buong Paligid Nito
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas ay mayroong malalawak na field na minsan ay sementado at mayroon din namang hindi. Kapag kasi ang isang school field ay hindi sementado, kadalasan ang nangyayari ay madaling dumudumi ang paligid at kumakalat ang alikabok sa mga corridors at classroom.
Ngunit ibahin ang isang public school na ito sa Imus, Cavite na ginulat ang mga netizens dahil ubod ng linis ang kapaligiran nito.
Ibinahagi sa post ni Arturo Rosaroso ang principal ng Imus National High School (INHS) ang kanilang paaralan na napapalibutan ng mga tiles ang buong school grounds nito.
Kitang kita ang kaayusan at kalinis ng kanilang paligid. Sila rin ay naglagay ng mga halaman at mga plant boxes sa gilid ng paaralan. Kapansin pansin rin ang kanilang stage na picture worthy dahil ito rin ay naka-tiles at mayroong nakalagay na “Proud ImuseƱo” sa harap nito.
At noong bago magpasukan ay proud na ibinahagi ng school principal na handang-handa na ang kanilang eskwela sa pagbabalik ng kanilang mga mag-aaral.
Ayon kay Mr. Rosaroso, ang Imus National High School ang natatanging paaralan na may school ground na naka-tiles. Ito ay proyekto ng LGU, NGOs, Alumni Organization, GPTA, Civic Society, Rotary Club of Imus, SDO, at stakeholders.
Bukod sa mga guro at mag-aaral ay natutuwa rin ang mga alumni ng INHS dahil sa nakita nilang pagbabago sa kanilang dating paaralan.
Samantala, samu’t sari rin naman ang mga naging komento ng mga netizens. Mayroong mga namangha subalit mayroon ding iba na nabahala.
Narito ang kanilang iba’t ibang reaksyon at komento:
“Ang ganda po at ang linis ng school natin. Lalo po ma-iinspire mga estudyante na mag-aral na mabuti.”
“Sa sobrang effort nila sa school lahat naka tiles na.”
“Since nandiyan na po yan. Ingat na lang po ang mga estudyante kapag umulan, at kung may aktibidades po sa may stage area, make sure na lang po na lagyan ng roof, kasi mabilis pong uminit ang tiles, sumisingaw yung init agad agad.”
“Delikad0 yan pag tag-ulan, napakadulas ng tiles. Delikad0 yan sa mga bata.”
“Konting ulan baha agad yan.”
+ There are no comments
Add yours