Isang Start-Up na Company sa Cebu, Nagbebenta ng mga Lapis na Pwedeng Itanim at Maging Halaman
Ang Ecohub ay isang startup company na based sa Cebu City sa Visayas, sila ay nagpalabas ng produkto kung saan ay maaring magtanim ng halaman gamit ang mga lapis. Maaring magawa ito sa pamamagitan ng paglagay lamang ng lapis na ito sa moist soil at maaring makabili nito sa murang halaga lamang na 20.00 Php.
Ang produkto na ito ay walang kinaibahan sa regular na lapis bukod sa ang dulo nito ay hindi pambura ngunit isang gelatin capsule na naglalaman ng seeds ng halaman na nakabalot sa isang metal case. Maaring pumili ang isang tao kung ano ang gusto nitong tanim kagaya na lamang ng mga kamatis, sunflower,, carrot o citronella at marami pang iba.
Ayon sa facebook post ng start up company, ito ay naisip nila sapagkat maaring makatulong ito imbis na itapon ang mga gamit na lapis ay may ibang paggagamitan ito na nagpapakita ng sustainability para sa ating buhay. Ang EcoHub ay nagbebenta din umano ng mga sustainable na products kagaya na lamang ng mga reusable straws at utensils. Ayon sa kanila ang lapis na kanilang binebenta ay safe at natural.
Ang mga capsules ay preservative free, non-GMO, allergen-free, and gluten-free. Ang lapis din umano ay walang lead at gawa sa sustainable na kahot, graphite, clay at non-GMO seeds. Ang lapis ayon sa kanila ay maaring tumubo ng lima hanggang sampung araw depende sa klase ng buto na itatanim mo. Ang mga mamimili ay maaring maglagay ng personal touch sa lapis sa pamamagitan ng paglagay ng logo o mensahe kapag bumili ka nito. Ngunit paalala ng kumpanya, maaring bumili nito kung 500 na piraso ang bibilhin mo dahil ito ay tinitinda ng bultuhan.
+ There are no comments
Add yours