Kinagiliwan Ang Ideya Ng Isang Netizen Tungkol Sa ‘Sabaw Tea’



Maraming mga business ideas ang pumapatok ngayon sa mga tao dahil ang mga ito ay kakaiba at ngayon pa lamang nakikita o natitikman. Katulad na lamang ng pagsikat ng inumin ngayon, ang milk tea.
Makikita na kabilaan na ang mga nagbebenta nito dahil marami ang tumatangkilik nito lalo na’t pampawi ng uhaw sa mainit na panahon. Ngunit ang isang netizen ay may ideyang ibinahagi na hinango niya sa ideya ng sikat na milk tea, ito ay kanyang tinawag na ‘Sabo Tea’ sa Kampangan na ang ibig sabihin ay ‘Sabaw Tea.’
Ibinahagi sa isang page na Awa Ne ang nakakatuwang ideya na kung saan makikitang imbes na milk tea ang nakalagay ay mga sabaw ng iba’t ibang ulam. 
Ang Sabo Tea na bulalo flavor ay mayroong kasamang mga gulay at buto-buto. Ang Tinola Tea naman na may add-ons pa na sayote. 

Ang Kare-kare Tea naman ay mayroon ding laman-laman at may add-ons pa na ‘baguk’ na Kapampangan ng alamang. Ang sinigang na mayroong kasamang sili at hipon. Ang ulam na dinuguaan o ‘tidtad’ na tawag ng mga Kapampangan ay may betamax. 
At ang pinaka-huli ay ang kanilang ‘danum’ na ibig sabihin ay tubig. 
Ang labis na ikinatuwa pa ng mga netizens ay ang kalakip nitong tagline na:
“SABO TEA: Munang sipsip manilak ka pa. Pero kalambatan maniaman ya!”
(Sabaw Tea: Unang sipsip maduduwal ka. Pero sa katagalan masarap siya.)

Ginawang paglilinaw na ideya lamang ito at hindi talaga ito binebenta sa merkado. Ginawang katuwaan lamang ito ng netizen dahil sa kanyang mga kaopisinang mahilig sa milk tea.
Subalit maraming netizens naman ang naaliw dahil sa galing ng pagkaka-edit ng mga larawan na animo’y makatotohanan.  At mayroong ilan na nagsabi na nais nilang subukan ang Sabo Tea kung magkakaroon man. 
Narito ang kanilang nakakatuwang komento:
“Nasi namu ing kulang oh!” (Kanin na lang ang kulang)
“Galing ng pagkaka-edit.”

“Ano kaya lasa niyan? hahaha”


+ There are no comments

Add yours