Lalaki Nagbiyahe Ng 12 Hours Upang Balikan Ang Memories Ng Sikat Na Naunang Meteor Garden 2001
Taong 2001 nang inilabas ang Taiwanese series ng sikat na Meteor Garden. Naging matunog ang mga pangalang Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Mei Zuo, Ximen at San Chai na talagang kinagiliwan ng mga Pilipino.
At nakailang bersyon man ang series na ito ay pinakatumatak pa rin ang sinaunang Meteor Garden at F4. Kaya naman ang isang lalaki na kinilala bilang si Ash Cruz ay muling sinariwa ang mga memories ng pinakamamahal na teleserye sa telebisyon nang magbyahe ito ng 12 oras sa Taiwan upang mapuntahan lamang ang mga sikat na scenes sa Yingde University.
“So I traveled 12 hours (roundtrip) to the Southern part of Taiwan (Chiayi) to relive the memories of our first beloved asian novela “Meteor Garden.”
The beautiful school is the National Chung Cheng University a.k.a “Yingde University.”
From Taipei, there are many ways to get there, you can use the fastest but most expensive roundtrip 3000 NTD (almost 5100PHP) 6-7hours, or you can choose also the 12-hour ride (1100NTD – 1900PHP) syempre pinili ko yung mura, sanay naman ako sa traffic sa EDSA, and super comfortable ng mga seats ng mga train sa Taiwan promise, nanuod lang ako ng ilang episodes ng meteor garden sa train, tas ayun andun na ako. Sobrang sulit ng byahe pag nakita nyo kung gaano kaganda yung school.”
Bahagi niya na mula sa Taipei ay maraming paraan upang makapunta doon, ngunit may kamahalan nga lang kapag ang pinakamabilis na way ang iyong ginamit ngunit kung ang pinakamurang way naman ay aabutin ka ng 12 na oras bago makadating.
Ngunit pinili ng netizen ang mas murang byahe. Aniya ay hindi naman niya napansin na ganoon katagal ang kanyang byahe dahil habang nasa byahe ay pinapanuod na niya ang sikat na telenovela.
At noong nakarating siya ay namangha siya sa ganda ng eskwelahan na tinatawag nilang “Yingde University” sa series. Kaya naman ang bawat minuto na kanyang ginugol doon ay kanyang sinulit. Makikita na sa post niya ang mga lugar na kanyang pinuntahan kasama ang mga eksaktong scenes na kinuhanan sa series.
Para sa isang ‘fan’ ng Meteor Garden 2001 ay tiyak na naenjoy niya at nasulit ang kanyang pamamasyal na talaga namang masasabing ‘worth it’ ang lahat ng kanyang pagod at pagbabyahe kahit na inabot pa siya ng ilang oras.
+ There are no comments
Add yours