Lalaking Pulis, Pinuri ng mga Netizens Matapos Magsilbing Taga-Pangalaga ng Anak ng Magasawang Kaniyang Hinuli
Ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho noong nahuli niya ang mag asawa dahil sa masama nilang gawain na labag sa batas ngunit ang pulis na ito ay pinuri ng maraming netizen dahil sa ginawa niyang aksyon sa labas ng kanyang trabaho kung saan tumayo siya bilang guardian sa anak na Grade 7 ng mag asawang kaniyang hinuli.
Si PCpl Claro A. Fornis ng Police Community Precinct 1 ng Makati City Police Station ay inimbita ni Angela Perez sa eskwelahan nito upang siya ay tulungan makapag-enroll, anak si Angela ng mag asawang kanyang hinuli dahil sa kanilang masamang gawain. Si Angela ay isang incoming Grade 7 na studyante ng General Pio Del Pilar National High school. Bago siya makapag enroll sa taong ito, kailangan samahan siya ng kanyang mga magulang. Dahil nahuli ni Fornis ang mga ito, hindi niya magawa ang mag-enroll dahil wala siyang magulang at hindi rin siya sinamahan ng kanyang mga kamag anak kaya nama’y lumapit siya sa pulis na humuli sa kanyang mga magulang.
Dahil naintindihan ng pulis ang kanyang sitwasyon at dahil na rin na nakita niyang gusto mag aral ni Angela, tinangap ni Fornis ang responsibilidad na samahan ang bata upang mai-enroll siya sa taong ito. Aminado si Fornis na bilang isang ama, na awa siya sa kalagayan ni Angela at humanga sa ginawa ng bata dahil kinausap siya ng bata na tulungan siyang makapag enroll ngayong pasukan kahit na alam niyang siya ang nanghuli sa magulang ng bata.
Dahil dito, umabot ang mabuting balita kay NCRPO Direktor Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Dali-dali namang binisita ng NCRPO Direktor si Angela para gabayan ito. Pag katapos nito, binigyan ng commendation ni Eleazar si Fornis dahil sa mabuti niyang ginawa na nakapagpukaw ng damdamin ng direktor. Bukod sa mga gamit eskwelaha ay binigyan ng tulong ni NCRPO Eleazar si Angela pang pinansyal na suporta.
+ There are no comments
Add yours