Magkapatid Na Nagtatahi ng Sapatos Para may Pambaon sa Eskwelahan, Pumukaw sa Puso mga Netizens
Napahanga ang mga netizens sa dalawang magkapatid na estudyante na nakunan ng larawan na nagtatahi ng sapatos sa sidewalk ng Valencia Street sa Puerto Princesa City Palawan, pagkagaling sa eskuwela. Napagalaman na ang kanilang pangalan ay sina Manuelita Borbon, 13-anyos, Grade 8, at Micko Borbon, 12, Grade 7 sa Palawan National School.
Ayon sa magkapatid, ginagawa nila ito upang mayroon silang pambaon sa eswekalahan. “Minsan pag may project ‘di na kami nagsasabi kila mama, kami na lang po bumibili” sabi ni Manuelita. Panganay at pangalawa sa apat na magkakapatid sila ng mag-asawang Emmanuel at Mary Ann. Napagalaman din na sa maliit na barong-barong sa Wescom Road sa Barangay San Pedro sila nakatira at dito na rin ang kanilang puwesto ng tahian ng sapatos na pinagkukunan ng pang araw-araw na ikabubuhay ng kanilang pamilya.
Pangarap ng magkapatid na maging sundalo balang araw. Kapag kinakapos sa baon o pamasahe, bago umuwi ay takbuhan nila ang repair shop ng kaibigan ng pamilya na malapit lang din sa eskuwelahan. Ayon sa may ari ng repair shop ay natutuwa siya sa mga bata dahil pursigido silang kumite ng pera pandagdag sa kanilang baon. At dagdag pa dito ay natutunan nila ang bagong skills katulad na lamang ng pagtatahi dahil maari nila itong magamit sa ibang bagay.
Hindi tinuruan ang magkapatid na magtahi ng sapatos, pero natuto sila sa kapapanood kung paano magtahi ng sapatos mula sa kanilang mga magulang. Ginamit nila ang natutunan para makatulong sa magulang at sariling pangangailangan. Hindi umano ikinahihiya ng magkapatid ang pagtatahi ng sapatos. Hiling nila na sana ay maging inspirasyon ang kanilang kuwento sa ibang mga magaaral na hindi sapat na sukatan ang kahirapan para hindi makapag-aral at makatulong sa magulang.
+ There are no comments
Add yours