Marami Ang Napabilib Sa Pagkaka-Park Ng Isang Kotseng Nasa Ibabaw Ng Kanal
Isa na sa mga problema sa ating lipunan ngayon ay ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada. Dahil marami na ang mga taong may kakayanang makabili ng sariling sasakyan, sumisikip na ang mga daanan at ang iba pa nga ay ginagawa ng parkingan ang mismong kalsada dahil wala silang mga sariling garahe sa kanilang tahanan.
Isang larawan ng isang pulang Mazda na kotse ang nagviral ngayon sa social media dahil sa kakaibang parking na ginawa nito.
Ibinahagi ng isang netizen na si James Deakin ang larawan sa kanyang page ngunit hindi binanggit kung kanino at kung saang lugar ito nakuha.
Maraming netizens ang nag-react sa nasabing photo dahil ang nakaparadang kotse ay nasa ibabaw ng isang mahaba at malalim na kanal. Nakapagitan ang kanal sa magkabilang gulong ng kotse na kung iisipin na isang pagkakamaling pagpihit lamang ng drayber ay maaaring mahulog ito sa kanal.
Sa kitid ng parking area ay napag-kasya ng drayber ang kotse na ginawan pa ng garahe dahil nakabubuong pa ito para maprotektahan ito sa matinding sikat ng araw.
Manghang-mangha naman ang mga netizens at sinabi na parking level skill 9999 na ibig sabihin ay talagang napakagaling ng nagpark ng sasakyang ito lalo na’t reverse parking pa ang ginawa.
Mayroon din namang nagtataka kung paano makakasakay o makakababa ang drayber dahil sa kipot ng pagdadaanan.
Wika ng isang netizen na mas okay ang pagpaparada ng kotse diyan kaysa naman nakaharang sa mismong kalsada o sa drive way ng kapitbahay.
Narito ang ilang nakakatuwang komento ng mga netizens:
“Hanep sa parking skills, idol!”
“At least, not blocking anyone’s way. Di baleng ma-hassle sa pag-park basta hindi ma-hassle ang iba.”
“OK yan para pag nagchage oil saka mag repair dina mahihirapan para i angat ang oto. hahaha”
“No parking space, no problem!”
“Call whatever you want but those are mad skills coupled with creativity. Husay mo!”
+ There are no comments
Add yours