Matapat Na Babae Nahanap Na Ang Nag-Mamayari Ng Napulot Niyang Php10k Pera Sa ATM



Napakadalang na lamang ng mga taong matapat ngayon lalo na’t pag dating sa pera. Kapag pera na ang pinag-uusapan, malamang maraming mga mata ang nag-iinit at pinagkakainteresan ang hindi naman kanila. 
Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring mga taong hindi madaling masilaw ng pera. Sa katunayan, sila pa mismo ang gumagawa ng paraan upang maibalik nila ito sa kinauukulan. Kagaya na lamang ng isang babaeng ito na nakapulot ng perang naiwan sa isang automated teller machine (ATM).
Ang concerned netizen na kinilala bilang si Rosennie Tagudar ay nagpost sa kanya social media account noon na hinahanap ang nagmamay-ari ng sampung libong piso (Php10,000) naiwan sa isang ATM machine ng BDO Branch sa SM Lanang Davao City.
Na-retrieve niya ang perang naiwan ng 6:58 ng hapon at saka ito inireport sa bangko. Maaaring nakalimutang kuhanin ng naunang nagwi-withdraw ang pera kaya naiwan ito sa machine. 
Mabuti na lamang at napunta sa mabuting kamay ang pera dahil kung hindi malamang ay nagastos na ito ng iba. 
Ilang araw ang makalipas ay nahanap na ni Tagudar ang tunay na nag-mamayari nito sa tulong ng social media. Dahil nai-share ng nai-share ng mga netizens ang kanyang post hanggang nakarating sa may-ari ng pera. 

Bahagi niya sa kanyang sumunod na post,
“Update po sa lahat ng concerned citizens na sauli ko na po sa may-ari yong pera na nakita ko sa ATM Booth sa SM Lanang.”

Ang dalawa ay nagkita sa bangko at doon naganap ang pagsasauli ng pera. Hindi naman na nila pinangalanan ang babaeng nakaiwan ng pera para sa security purposes. At tila bakas sa mga ngiti ng dalawa noong maiabot na mismo ni Tagudar ang Php10,000 sa babae. 
Pinuri naman ng mga netizens ang mabuting gawain na ginawa ni Tagudar at saka siya ay pinuri. Narito ang kanilang mga komento.
“Ang bait niyo po. God will bless you more. Mabuti nalang ikaw yon nakasunod sa kanya. God bless!”

“Nakagawa kayo ng kabutihan sa kapwa niyo mam.”

“Saludo kami sayo ate.”

“Good job dear! Mabuti na yong hindi natin angkinin ang pera na hindi naman atin.”

+ There are no comments

Add yours