Mula sa Pagiging Pedicab Driver at Balut Vendor, Kilalanin ang Pinoy Coffee Shop Owner na ito sa Ireland




Maraming Pilipino ang dumaranas ng hirap ng buhay at ginagawa ang lahat upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa araw araw. Isa dito si Jeffrey Velasco na dating nakatira sa Tondo Manila at ngayo’y nakapag patayo na ng isang coffee shop sa bansang Ireland. Kwento ni Jeffrey, nagsimula ang kaniyang humble beginnings mula sa pagiging isang pedicab driver sa Tondo kasabay ng pagtitinda ng balut sa gabi. 
Naging Overseas Filipino Worker din siya sa Taiwan at nagtrabaho bilang electronics technician ng ilang taon. Ngunit hinanap hanap parin niya ang pag nenegosyo kaya naman umuwi siya sa Pilipinas at naisipang mag tayo ng sariling bar, billiards, at internet cafe noong natapos ang kanyang kontrata sa Taiwan. Dahil pinangarap niyang mag karon ng mas magandang buhay, lumipad si Jeffrey sa bansang Ireland noong taong 2006 sa tulong ng kanyang asawa na nag tatrabaho bilang nurse. Nag simulang mag trabaho si Jeffrey bilang coffee barista sa umaga at isang tauhan naman sa isang maliit na hotel tuwing gabi.

Lumipas ang pitong taon, hiningkayat siya ng kanyang dating employer na bilhin ang pasarang coffee shop business sa Cork (isang lugar sa Ireland). Binili naman niya ito noong taong 2013 at kinonvert niya ang lugar sa isang personal, friendly, at homey-type na coffee shop kung saang mararamdaman ng kanyang mga guest na sila ay nasa kanilang bahay. 
Hands-on si Jeffrey sa kanyang business. Sa pag karpintero, pag tutubero, pag bili ng materyales, pag gawa sa mga maintenance work, pati narin sa pag ha-hire ng mga empleyado sa kanyang coffee shop business na pinangalanan niyang Cuppacity Coffee and Bagels. Dahil sa tagumpay ng kanyang coffee shop business, nag tayo si Jeffrey ng isa pang branch sa puso ng Cork City makalipas ang dalawang taon. Dahil sa kanyang pagiging business minded, naging success muli ang kanyang pangalawang branch. Dahil dito, nabigyan ang kanyang coffee shop ng Five Star Excellent Awardee status mula sa TripAdvisor sa ikatlong taon.


+ There are no comments

Add yours