Nakaisip Ng Paraan Ang Wais Na Estudyante Para Maiwasan Ang Mga Kaklaseng Mahilig Manghingi At Manghiram Ng Gamit
Hindi maiiwasan sa mga estudyante ang maubusan ng mga school supplies tulad ng papel, lapis, ballpen, maging ang mga personal hygiene na gamit tulad ng pulbo at pabango. Dahil dito, nanghihingi o nanghihiram na lamang sila sa kanilang mga katabi.
At tiyak na kawawa na naman ang batang napaghihingian ng mga gamit na ito. Kaya naman isang estudyante ang nakaisip ng napakagandang paraan na ito upang maiwasan ang mga kaklaseng mahilig manghingi at manghiram.
Ibinahagi ng isang Facebook user na si Sarah Arabella Sanchez Canlas ang mga larawan na kung saan ang bawat sukat ng papel, pabango, pulbos, suklay at a1c*h0l ay may kanya kanyang presyo.
Caption niya sa kanya post, “Feeling ko dito ako yayaman HAHAHAHA. Hi mga classmates handa na akong maging mayaman hahahaha.”
Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi na ginawa niyang pagkakakitaan ang pagbebenta ng iba’t ibang sukat na papel sa kanyang mga kaklaseng mahilig lang humingi.
Bawat size ng papel ay may nakalagay na presyo tulad ng whole sheet, crosswise at lengthwise na piso kada isang piraso, at 1/4 sheet naman na piso kada 2 piraso. Mayroon pa siyang isinulat na “P.S.” note na nagsasabing wala ng libre at bawal humingi.
Bukod rito, mayroon din itong tinitinda na polbo na 5 piso kada gamit, pabango na 3 piso kada spray, suklay for rent, ballpen for rent na tatlong piso kada oras at kapag nawala ay babayaran mo ito sa halagang Php30.
Maraming netizens ang ikinatuwa ang ideya na ito dahil habang nag-aaral ay makakapagbusiness ka pa. At para sa mga kaklase naman na ayaw bumili sa mga ibinebenta at ipinaparenta ng estudyanteng ito ay dapat ay matuto na silang magdala ng kanilang sariling mga gamit at iwasan na ang panghihingi.
Samantala narito ang mga nakakatuwang komento ng mga netizens:
“Makakaipon ka sa ganito.”
“Bawal na pala hingi ng papel ngayon.”
“Business ideas.”
“Mukhang may pagkakakitaan ako sa pasukan.”
+ There are no comments
Add yours