Netizen Inireklamo Ang Mga Napakaliit Na Piraso Ng Mga Manok Na Kanyang Order Sa Isang Sikat Na Fastfood



Marami na ngayon ang mas pabor na kumain na lamang sa labas o mag-take out sa mga fastfoods dahil mas mabilis at convenient ito para sa kanila. Sa dami ng variety ng pagkain na mapagpipilian ay tiyak na mabubusog ka na at hindi ka pa mapapagod magluto at maghain.
Ngunit ang netizen na si Ernie Mah ay tila nadismaya sa serbisyo na ipinakita sa kanya sa isang fastfood dahil sa mga napakaliit na piraso ng manok ang ibinigay sa kanya at wala pang kutsara para sa kanyang mashed potato.
Inilabas niya ang kanyang reklamo sa pamamagitan ng isang post.
“Paid for $7.95 for this 2 pcs meal at KFC Hillion Mall.
Told the staff to change my drumstick to a bigger one and he rejected saying can only change 1 big 1 small
And they even forget to put a spoon for my mash potatoes”
Noong una pa lamang na nakita niya ang mga manok ay pinapapalit na ng netizen ang ibinigay sa kanyang order ngunit tinanggihan ito ng staff at sinabing isang malaki at isang maliit na piraso lamang ang pwedeng ibigay sa kanya. Tila hindi sulit ang kanyang ibinayad na $7.95 (Php302) para sa ganitong kaliit na mga piraso ng manok.
Ngunit ang mas nakakadismaya pa sa kanya ay dahil ganoon na lamang ang pagresponde sa kanya ng staff. At malala pa ay hindi pa siya binigyan ng kutsara para sa kanyang take-out order na mashed potato.

Dahil sa bad service na kanyang natanggap ay inilabas na lamang niya ito sa social media at maraming netizens naman ang sumangayon sa kanya. Dapat raw kung 2pcs man ang kanyang inorder ay dapat magkaparehong laki ng size ang ibinigay sa kanya dahil binayaran naman niya iyon ukol sa regular price per piece ng manok. 
Narito naman ang mga komento ng ilang mga netizens tungkol dito.
“I also have a similar experience. Super small chicken piece at premium price.”

“Seriously, they put 2 pieces of chicken parts in that big box??”

“The advertisement always look nice but actually they give small chicken wing and small drumstick.”

+ There are no comments

Add yours