Picture Ng Estudyante Ginawang Cover Sa Mga Notebook Nag-Viral Sa Social Media
Ang bawat guro ay mayroong kanya-kanyang paraan para makilala ang kanyang mga estudyante. Para sa isang guro, mahirap na matandaan at ma-memorize isa-isa ang mga mukha at pangalan ng kanyang mga estudyante lalo na pa’t kung marami siyang klase na hinahawakan.
Isang paraan para makatulong upang madali niyang matandaan ang kanyang mga estudyante ay kung may picture ang mga ito na kanyang maaaring balik-balikan.
Kaya naman ang isang MAPEH teacher na kinilala bilang si Jom Borja ay gumawa ng napaka-husay na teknik upang matandaan niya ang mga bata sa kanyang advisory class.
Nirequire niya kasi ang kanyang mga estudyante na gawing cover ang kanilang mga mukha sa kanilang notebook. Noong una ay natatawa ang mga bata ng sabihin niya ito dahil kala nila ay na nagjo-joke lamang ang kanilang guro.
Ngunit noong naging seryoso siya rito ay nagtataka ang mga bata. Tinanong kung ano ang ilalagay sa harapan at ang sabi niya ay ang kanilang mukha. Ngunit sa back cover naman ang picture pa rin nila pero nakatalikod.
“Teacher: Okay Pakisulat ng requirements sa subject ko. 1. Notebook.
Student: Sir anong color?
Student: Sir anong color?
Teacher: Wala. Pero mukha ninyo yung ipapang cover ninyo.
Students: *Nagtawanan*
Teacher: Akala niyo joke?
Students: *Medyo nagtataka na*
Student1: Sir ano po yung sa likod?
Teacher: Mukha niyo pa din pero nakatalikod na kayo. Sa likod na yun eh.
Students: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
PS:
For my advisory class only.
MAPEH TEACHER AKO AT PARY YAN NG ARTS HIHIHI”
Lalo namang ikinatuwa ito ng kanilang guro ng magpasa ang mga ito at sinunod nga nila ang instructions ng kanilang teacher na literal na inilagay sa buong cover ng notebook ang kanilang picture na kasama pati ang kanilang likod.
Tanong ng isang netizen na papaano kung wala daw pambayad sa pag print ng picture kung wala rin daw ba itong grade. Ngunit sagot naman ng guro na may libreng print sila sa kanya.
Labis na ikinatuwa ito ng mga netizens sa social media dahil makakatulong nga ito upang madaling ma-recognize ng guro ang kanyang mga estudyante.
+ There are no comments
Add yours