Pinuri Ang Matapat Na Pasahero At Jeepney Driver Na Nagsauli Ng Nalalaglag Na Pera Ng Isang OFW
Bibihira na lamang ang mga taong mapagkakatiwalaan at tapat ngayon. At ang mga taong ito ay nawa’y magsilbing mga mabuting ehemplo ng ating lipunan dahil sa pagpapakita nila ng mabuting asal at paggawa ng tama sa kanilang kapwa.
Marami ng mga kwento patungkol sa mga taong nagsasauli ng mga nawawalang gamit. Hindi lamang sila kinikilala ng publiko ngunit nagiging inspirasyon rin sila sa iba upang gumawa ng tama.
Ibinahagi ng isang netizen na si Loida Braunstein sa kanyang social media account ang kagitingang ginawa ng isang pasahero na kinilala bilang si Mr. Edwil Agyapas at ang jeepney driver na si Jimmer Antos Denson na taga Tublay sa isang OFW na nakalaglag ng limpak-limpak na pera sa sinasakyang jeep.
Natagpuan ni Agyapas ang nalaglag na bundle ng pera na may currency na U.S. dollar sa loob ng jeep ni Denson. Agad niya itong sinabi sa driver at pareho naman nilang ginawa ang nararapat.
Ang pera na higit kumulang Php422,000 ay ni minsan hindi sumagi sa isip nila pagka-interesan ay kanilang agad na isinurender sa Tublay Municipal Police Station.
Ayon sa tapat na pasahero, hindi ito ang unang pagkakataon niyang magsauli ng nawawalang pera. At natural na sa kanya na ibalik ang pera sa kinauukulan dahil hindi naman ito sa kanya at alam niya ang pakiramdam na mawalan ng pinaghirapang salapi.
Napag-alaman nila na ang nakawala ng pera ay isang OFW na taga Kapangan. At noong na-contact nila ito ay laking tuwa at pasasalamat niya na buti na lamang ay natagpuan ito ng mga mabubuting tao tulad ni Agyapas at Denson.
Dahil sa katapatan ng dalawa, sila ay kinilala sa kanilang lugar at naisama sa listahan ng mga indibidwal na makakatanggap ng plaque of commendation ngayong taon sa gaganapin ng town’s foundation day celebration.
Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng dalawa at sana ay maging inspirasyon sila sa lahat ng tao na gumawa ng mabuti at maging matapat sa kapwa.
+ There are no comments
Add yours