Pinuri Ng Isang Customer Ang Isang Service Crew Dahil Sa World Class Na Serbisyo Kahit Na Maraming Tao
Ang magtrabaho bilang isang service crew sa isang fastfood ay hindi madali. Bukod sa kailangang maserbisyuhan ang lahat ng customers tuwing dinaragsa ito ng mga tao sa mga oras ng kainan ay dapat ay mabilisan rin ang paggalaw nila.
Minsan dahil na rin siguro sa pagod at paikot-ikot na pagseserbisyo sa mga customers ay ang ibang crew ay hindi na naseserbisyuhan lahat. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na dapat nila ipakita ang kanilang pagiging efficient na crew.
Pinuri ng isang customer na si Dinalyn Osal ang isang service crew ng isang sikat na fastfood chain dahil sa pagiging maasikaso at maserbisyo sa mga customers na naghihintay.
Aniya sa kanyang post,
“I just wanted to commend this person. I do not know exactly his name but I saw his name plate “Tian” of Mang Inasal Puregold North Commonwealth maybe his fullname is Christian.”
Ibinahagi ng customer na gustong gusto na niyang makakain ng chicken oil at dahil ang kanyang libreng oras lang ay noong weekend kaya wala siyang choice kundi makipila sa napakaraming tao.
Simula umaga ay hindi pa raw sila nakakakain kaya naman talagang tinyaga nilang maghintay sa pila kahit na gutom na gutom na sila.
“So pumunta kami sa Puregold nagbabakasakali na hindi marami ang tao sa Mang Inasal doon since maliit lang yung store, ngunit nabigo ako marami ring tao marami pang nasa labas na nakapagpabayad na pero naghihintay ng may mababakanteng upuan.”
Habang naghihintay sila ay mayroong isang lalaki na lumapit sa kanila at tinanong kung mayroon na silang mauupuan. Ngunit napailing na lamang sila maging ang mga ibang customers na naghihintay ng kanilang order.
Napansin niya na hinahanapan ng crew ng mauupuan ang mga naghihintay na customers kaya naman ang ginawa niya ay kumuha siya ng bakanteng lamesa at upuan dahil sa kagustuhan niyang makaupo na ang lahat.
“At yun naka upo na kami so habang naghihintay ng order namin nakikita ko siyang masiglang inaassist lahat ng customers niya sa abot ng kanyang makakaya. Napansin niya sigurong wala pang yung order namin hinatiran niya kami ng sabaw sabay sabing ‘wait lang mam ha marami kasing tao eto muna sabaw’ ngumiti ako at nagpasalamat hanggang sa matapos kaming kumain siya ang nagligpit ng pinagkainan namin.”
Naging agaw pansin ang pagiging approachable ng crew dahil kahit nakakapagod ang kanyang trabaho ay nagagawa pa rin niyang ngumiti at i-assist ang mga customers. Pinuri naman ng netizen ang crew dahil raw sa effort at world class na customer service nito at hinihiling na sana ay lahat ay ganito.
+ There are no comments
Add yours