Public School Teacher Nabigyan Ng Award Na “Happiest Pinoy” At Nag-uwi Ng Php1Million
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin kahit na sa gitna ng maraming problemang hinaharap. Hindi ibig sabihin na hindi natin sineseryoso ang mga problema kundi madali lang talaga tayong mag-adjust sa sitwasyon.
Isang kilalang pawnshop ang nagbibigay ng parangal sa mga taong may inspiring na kwento sa kabila ng mahirap na buhay ngunit nananatili pa ring masiyahin. At isang public school teacher ang itinanghal bilang “Happiest Pinoy” dahil sa kanyang inspiring na kwento.
Ang guro na si Zaldy Bueno na mula sa Gumaca National High School ay inawardan ng Cebuana Lhuiller dahil sa kanyang layunin na tumulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng edukasyon.
Ang 37 taong gulang na guro ay nagsilbing inspirasyon dahil sa kanyang pagvo-volunteer bilang guro sa Alternative Learning System tuwing katapusan ng linggo. Ito ay isang programa ng DepEd para sa mga out of school youth at sa mga hindi nakapag-aral.
Kung tutuosin, pahinga na dapat niya ito sa buong linggo niyang pagtatrabaho, ngunit pinaglalaanan talaga niya ng oras ito.
Mas lalo pa siyang hinangaan dahil nagsagawa siya ng isang proyekto, ang Pidal Apakan Dunong Yayaman Asenso’y Kakamtan (PADYAK) na kung saan nagbibigay sila ng mga bisikleta sa mga estudyante na walang pamasahe o sa mga malalayo ang nilalakad papuntang eskwela.
At dahil sa magandang adbokasiya ng kanyang itinatag na proyekto, marami ang mga taong nagdo-donate ng mga 2nd hand at bagong mga bisikleta sa buong bansa at maging ang mga OFW sa abroad. Dahil dito, dumami ang mga estudyanteng nakakapasok sa eskwelahan kaya nakatanggap rin ang kanilang school ng perfect attendance award.
Sa magandang hangarin ni Bueno ay napili siya ng Cebuana Lhuiller mula sa 800,000 na nakilahok at pinarangalan din siya ng Php1million.
Noong tinanong kung ano ang gagawin niya sa prize money ay ibinahagi niya na gagamitin niya ito upang ma-improve pa ang kanyang project PADYAK para makapag-produce pa sila at makapagbigay ng mga bisikleta sa mga kabataan para sa pagpasok sa paaralan.
+ There are no comments
Add yours