Tatay na Nagsisikap Makatapos ng Pag–Aaral sa Kabila ng Edad, Pumukaw sa Puso ng mga Netizens
Alam natin na hindi hadlang ang edad at estado sa buhay upang matamo ang edukasyon na halos lahat sa atin ay pinapangarap makamit. Hindi porke’t matanda na ang isang tao, ay titigil na siya sa pagtupad sa kanyang mga pangarap. Nag-viral ngayon sa social media ang Facebook post ng netizen na si Juvelyn Capariño Basas na nagpapakita ng mga larawan ng isang tatay na nagpapa–photo copy ng mga parapernalya sa eskwelahan at hindi ito para sa kanyang anak o apo, kundi para sa kanyang sarili.
Ayon sa facebook post ni Juvelyn nabilib siya sa tatay na ito dahil ito pala ay kaniya at hindi para sa kaniyang anak o apo. Napag–alaman ng netizen na ang naturang lalaki ay nag–aaral ng ICCT Education at malapit nang magtapos ito sa kolehiyo. Siya ay isa working student dahil pintor siya sa umaga at nag–aaral naman sa gabi. Bukod dito, isa rin siyang iskolar ng Commission on Higher Education. Nabilib si Juvelyn kay tatay dahil hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang abutin ang mga pangarap nito.
Pati ang mga ibang netizens na nakakita ng post ay humanga kay tatay sa ipinakita nitong dedikasyon at pagsusumikap sa buhay. Batay sa mga ilang mga nakakikilala sa kanya ay mabait, magalang, at talented pa itong tatay na ito. Palaga raw nasa eskwelahan ang matanda at marami itong maikkwento patungkol sa mga karanasan nito at pati narin ang mga papuri dito dahil sa sobrang galang nito kapag nakita mo sa eskwelahan.
Hindi nakuha ni Juvelyn ang pangalan ni tatay ngunit malaki ang pasasalamat nito dahil nagsisilbing inspirasyon ito para sa ibang mga tao na huwag tumigil na abutin ang mga pangarap at kahit kalian ay hindi kinakailangan maging hadlang ang estado o edad sa buhay upang ipagpatuloy abutin ang mga mga ganitong bagay.
+ There are no comments
Add yours