Umani Ng Iba’t Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo



Akala ng iba na kapag isa kang guro ay madali lamang ang iyong trabaho dahil gagawa ka lamang ng lesson plan saka magtuturo sa mga bata. Ngunit ang hindi nila alam na bahagi lamang ito sa araw-araw nilang gawain. Bukod dito ay napakarami pang paperworks at reports na ginagawa sa buong taon. 
Napakaganda mang pakinggan ang propesyong ito, ngunit hindi lahat ay nakakatagal dito. Ang pagiging guro ay kinakailangan ng dedikasyon, pagsisikap, lakas ng loob at mahabang-mahabang pasensya.
Ang guro na si Larra Elyssa Dizon ay nagbahagi ng kanyang naging karanasan bilang isang public school teacher na para sa kanya ay ang pinakamalaking pagsubok na hinarap niya sa kanyang career. 
Ang ina ni Larra ang naging inspirasyon niya upang siya ay pumasok na guro sa isang public school. Matapos niyang makapasa sa licensure exam ay nakipagsaparalan siya upang siya ay matanggap sa kanyang inaaplayang eskwela. 
Noong una ay duda na siyang makapasok dahil kulang siya sa mga trainings at experience. Ngunit pinalad pa rin siya na makapasok kaya iniwan niya ang kanyang trabaho sa isang BPO company at lumipat sa pagtuturo. 

Ilang buwan lamang ay na-assign siya bilang grade 1 teacher. 
“Akala ko madali, akala ko lang pala yon. In college they taught us different strategies with different kind of learners. Ayyyy! Naloka ako besh! May mga bata talagang walang nag wowork kahit anong tumbling gawin ko para makabasa sila. Though, may ibang aspect na mag eexcel naman talaga ang bata. But we are after the number of students na makakabasa. Di naman sila after kung may ibang nagawa ka para sa bata. Kailangang nakakabasa para masabing magaling ka na teacher!!!”


Dito ay napagtanto ni Larra ang mga pagsubok niyang nararanasan sa pagtuturo.
“There are nights na magigising ako unang unang papasok sa isip ko yung mga students ko na di pa nakakabasa. Maiiyak ka na lang. Paano ko sila ipapasa? Yung frustrations ko sa school nadadala na sa bahay. There are stuff that I can no longer do.”

Umabot sa punto na hindi na siya nagkakaroon ng oras sa kanyang pamilya dahil naapektuhan ng stress ang kanyang buhay. Kaya naman noong naramdaman niya ito ay naglakas ng loob siya at nagdesisyon na iwan na ang pagtuturo.
For illustration purposes only

“Pwede pala yon, mahal mo yung pagtuturo pero di ka masaya. This may sound mababaw but I want to prioritie my mental health. I want to save myself from words that will no help my professional growth.”

Dagdag ni Larra na hindi niya ipinost ito upang idiscourage ang mga nais magturo dahil magkakaiba naman talaga tayo ng kapalaran. Sa katunayan, saludo siya sa mga guro na nakakatagal sa kanilang propesyon. 
Nais lamang niyang ipabatid na hindi ganoon kadali ang trabaho ng isang public school teacher kaya sana ay huwag iasa ng mga magulang ang lahat sa mga guro. Sa halip ay tumulong rin sila para sa ikakabuti ng kanilang mga anak. 
“Public school teacher, magandang pakinggan pero hindi madaling pagdaanan.”

9 Comments

Add yours
  1. 1
    Unknown

    Labis naman na talaga ang dulot na stress ng propisyong guro. Tama dapat priority ang mental health. Affected ang daily performance ng isang giro kapag stressed na.

    Sana ang mga politiko, magkaroon sila ng pagaaral kung ano ang tunay na sitwasyon ng mga guro.
    Nung nakaraang mga taon sunod sunod na ang mga nagbigti at nagkakasakit dahil sa di na nila kinaya ang trabaho at stress na dulot nito.
    Kung sa dami ng pwede pang e litanya ay mas marami sa mga gurong nagiging negatibo na ang reaksyon sa tunay na kalagayan ng mga guro .

    Sana at marami pang sana ang pweding sabihin na nais makarating sa mga kina uukolan.Pigyan nyo ng pansin

  2. 2
    OutdoorsyEve

    Totoo yan. I'm a grade 1 teacher for over a year and I feel you on how much struggles you went through . How much effort you needed to do for your learners but learners vary . Well some are very manageable and some are hard headed that will really measure how much strength and patience you have day by day to continue and strive hard on what your doing. Sometimes even if you totally give your 100% best and still feel belittle on yourself through the cristisisms you heard from some especially on the reading skills. Again, there are kids who are really slow when it comes to retention , maybe they will develop it so so, in the following grade levels but don't you put all the negative comments based on the learners ability as to what kind of teacher you are if your effective and effecient. That's all. Teachers especially in grade 1 really tried and keep trying our best. Mabuhay teachers , laban!

  3. 6
    ely

    My mom forced me to take education pero ayoko talaga kaya in the end may course lang ako.. Alot of people are asking why I don't use it sayang lisensya.. Ngiti lang di naman nila maiintindihan???

    I love teaching (alone) yung walang paperworks na kasama

  4. 7
    Eduardo Arquines

    TEACHING IS A VOCATION
    It is a calling. You will not survive if you are not meant for this tedious, stressful job.

    You need a lot of patience, stamina, humor, enjoy what you do, dedication and so on.

    Learning strategies are very important try to separate the fast and the slow learners so you can focus on the slow learners while the fast learners are doing some activities. Or you can combine with AB AB AB Seating arrangements A for the fast and B for the slow so the A pupils can help encourage the B pupils. Try to find ways to make learning and teaching enjoyable

    We at GESF are trying our best to make our work enjoyable. We have this at work , play, recreation, food, care, stability, and a lot more.

    We work as a family. We help one another, because we want to PROVIDE the best for our pupils. We support our parents and our community.

    For the past 31 years our staff are happy, our parents are blessed, and our pupils enjoyed learning.

    GESF , WE CARE

  5. 8
    Anonymous

    I feel you ? mahirap tlgang maging isang public school teacher kasi hindi basta magtuturo ka lang napakarami pang kelangan gawin at ihanda. Tpos maliit lng naman ang sahod , kung gusto mo mag turo at gusto mo dn nmn mabuhay ng maayos hindi pagiging public teacher ang sagot.

+ Leave a Comment