Usap-Usapan sa Social Media ang Hugis Leon na Ulap na Nakuhanan ng Isang Netizen sa Quezon City
Usap usapan ngayon sa social media ang litratong ipinost sa social media na may hugis leon na ulap na namataan sa Timog Quezon City! Ayon kay Luisito Santos, reporter ng DZBB kuha ito mula sa Timog Avenue sa Quezon City. Sabi ni Santos sa kanyang caption sa kaniyang post ay namataan niya ang hugis leon na ulap na ito at nakuhanan niya habang pauwi siya galing ng trabaho bandang 5:00 ng umaga ng Martes.
Ayon kay Luis, dali dali niyang kinuhanan ng larawan dahil naniniwala siya na mayroon ibig sabihin lahat ng bagay na maari nating makita. Maaring may hatid na mensahe ito mula sa kalangitan kaya naman ganito palang kaaga ay nagpakita na ng hugis ganito ang mga ulap. Ngunit ayon sa mga nagbigay ng komento patungkol sa post na ito maraming mga nagsasabi padin na maaring guni guni lamang ito ni Luisito at hindi nila makita ang tinutukoy na leon sa kalangitan.
Karamihan naman din sa mga netizens na nagbigay ng komento ay pabiro nilang sinabi na dahil ba kakatapos lamang ipalabas ang pelikulang Lion King kaya naman may ganitong pangyayari. Marami parin ang may mga kaniyang haka haka patungkol sa kung ano nga ba talaga ang maaring maging mensahe ng mga ganitong bagay sa atin. Ngunit tayo lamang ang maaring makapagsabi kung ano ang ating mga interpretasyon para sa mga ganitong sitwasyon.
Ayon naman kay Luis, ang kaniyang pinost sa social media ay hindi para siya ay sumikat. Nais lamang niyang maghatid ng magandang balita at nakakaaliw sa kabila ng mga kung ano anong balita ang ating mga nababasa o naririnig. Paliwanag pa ni Luis hindi niya edited ang kaniyang larawan na pinost at totoo ito sa kabila ng siya lamang ang nakakita nito sa umagang iyon.
+ There are no comments
Add yours