Bagong Bukas na Palengke sa Bataan, Pinuri ng mga Netizens Dahil Nagmukha Itong Mall sa Ganda



Ilan sa mga litrato ng bagong bukas na pang publikong palengke ang nag viral sa social media dahil mukha itong mall! Ang pang publikong palengkeng ito ay matatagpuan sa Limay, Bataan. Ang kisame ng public market na ito ay may maganda at nag tataasang kisame at may mga ilaw na parang nasa mall. Dahil dito, maraming mga netizens ang nag comment na mukang mall ang Limay Public Market sa post na ibinahagi ni Mark Anthony Muico Millare. 

Nag biro pa si Mark Anthony na mukang mall ito at sumang ayon naman ang mga netizens sa kanya. Kapag naiisip natin ang mga pang publikong mga palengke, ang unang pumapasok sa ating isip ay basa at maduduming sahig at di kagandahang mga kuwadra. Ngunit, maaari nating ibahin ang konsepto ng palengke kapag nakita natin ang bagong gawang Limay Public Market na maaring makipag kumpitensya sa iba pang pampublikong palengke sa buond mundo. Ang mga kuwadra ay nilagyan ng mga tiles at mag kakalayo sa isa’t isa. 

Nilagyan din nila ng mga indibidwal na mga ilaw bawat kuwaderno na may gripo na pwedeng gamitin ng mga tindero para sa kanilang paninda. Makikitang ipinaghandaan at pinag planuhan ng gobyerno. Ang pag papatayo ng Limay Public Market at sinuguradong may malalaking espasyo para ipakita ang kanilang mga paninda at sapat na pasilidad upang mapanatiling malinis ang palengke upang bumalik balik ang kanilang mga suki! Sa halip na pumunta ang mga tiga bataan sa mga malls, marahil ay dito na sila pupunta dahil sa ganda nito. Ang Liway Public Market ay binuksan noong June 26. 
Ayon kay Mark Anthony, magagamit pa rin naman ang lumang palengke, upang gawing wet market at ang bagong tayong palengke naman ay gagawing dry market kung saan makakabili ng ibat ibang paninda. Ang ikalawang palapag naman ng palengke ay gagwing canteen na kung saan ginaya nila sa mga mall.

+ There are no comments

Add yours