Eskwelahan sa Cavite, Umani ng Papuri Matapos Gumawa ng Locker na Ikagiginahawa ng mga Estudyante
Napapansin niyo ba kung bakit napaka daming estudyante ang hirap na hirap mag dala ng kanilang bag kapag napasok sila sa paaralan? Dahil sa ganitong sitwasyon, maaring makasama ang pag bubuhat ng mabibigat na backpack sa likod ng mga bata! Isang solusyon ay bumili nalamang ng trolley bags, ngunit, ang mga trolley bags na ito ay kadalasang mahal at mabigat kaladkarin papunta at pauwi galing eskwelahan.
Isa pa nating pwedeng maging solusyon ay ang mga magulang ang mag buhat ng bag ng kanilang anak, ngunit ang ibang mga magulang naman ay walang oras para rito dahil may pasok pa sila sa kani-kanilang mga trabaho. Isang paaralan sa Silang Cavite ang nag viral dahil sa kusa nitong maglaan ng mga upuan na may built-in lockers para siguraduhin na hindi laging mabigat ang dala ng kanilang estudyante tuwing papasok at pauwi ng paaralan. Ang pangalan ng paaralan na ito ay Father Michael Donoher Memorial School. Gumawa sila ng mga armchairs at kinonvert ang upuan para maging lockers na kung saan pwede nila iwan ang kanilang mga gamit tulad ng libro, notebook, at iba pa.
Ang kinagandahan pa sa upuan na ito, hindi lang ang mga estudyante ang nakikinabang ngunit pati narin ang paaralan dahil nakaka tipid ito sa espasyo kung mag papatayo sila ng mga nag lalakihang lockers. Makakatipid din ng oras ang mga estudyante dahil kung may kailangan silang gamit ay kukunin nalamang nila sa ilalim ng kanilang upuan at hindi na kina kailangan pang mag punta sa mga lockers. Nakatanggap naman ng papuri ang eskwelahan galing sa mga guro at magulang at maraming umaasang na gayahin ito ng iba pang mga paaralan para hindi mabigatan ang mga bata na mag dala ng mga mabibigat na gamit araw araw.
Mayroong mga magulang naman ang nangangamba na mawala ang mga gamit ng kanilang mga anak o makalimutan gawin ng kanilang mga anak ang kanilang mga assignment. Ang sagot naman dito ay lalagyan ng mga lock ang mga upuan at lagyan ito ng mga padlock. Para sa pag iwan naman ng mga notebooks at libro at pagkalimot sa mga assignments, maaaring sanayin ng mga guro at mga magulang ang kanilang mga anak na laging iuwi sa kanilang bahay ang mga subject na mayroon silang kailangang sagutan. Sa pagtapos ng araw, ang mahalaga naman ay hindi na kinakailangan mag buhat ng mabibigat ng mga bata.
+ There are no comments
Add yours