Estudyante, Pinabilib ang mga Netizens Sa Kakaibang Talento Nang Paggawa ng mga Artwork Mula sa Basura
Kapos ka ba sa pera? Maaari mong gamitin ang iyong talento upang kumita ng dagdag na pera! Isang estudyante ang gumawa nito at ngayon ay pinag kakakitaan ang kanyang mga likha na mula sa ating mga basura. Estudyante pa lamang ngayon si Sebastian Cacho ngunit kumikita na agad siya ng pera. Salamat sa mga nilikha niyang artwork mula sa basura. Gamit ang mga karton at iba pang mga materyales, nakaka gawa si Sebastian ng mga 3D art katulad na lamang ng robots, carts, hayop, motorcycle at kung ano ano pang mga action figures.
Nadiskubre ng binatang si Sebastian ang kanyang galing sa pag gawa ng kung ano anong mga bagay mula sa basura noong labing tatlong anyos pa lamang siya. Nahilig siyang gumawa ng mga robot gamit ang mga karton. Sa pag lipas naman ng panahon, nasanay na siyang gumawa ng iba pang mga pigura at dito niya na hasa ang kanyang angking galing. Sa loob ng apat na oras, kayang bumuo ni Sebastian ng robot mula sa karton. Kinabiliban naman ng madaming netizens ang kanyang galing. Ang binatang ito ay kayang lumikha ng ibat ibang pigura at disenyo na kinahangaan ng madaming tao.
Sa halip na maglaro siya ng gadgets, ginagawa ni Sebastian ang mga art na ito kapag may bakante siyang oras. Ayon sa binata, magandang libangan daw ito sa mga katulad niyang teenager dahil maaring masayang lang ang oras kapag nagkompuyter lamang ang mga ito imbis na gumawa ng mga libangan. Bukod sa pag eenjoy siya sa kanyang hobby, kumikita rin si Sebastian mula sa kanyang art!
Maraming mga tao na ang bumibili ng gawa niya. At dahil viral ang kanyang mga gawain ay mas lalong dudumugin ang kanyang mga gawa panigurado. Naipalabas na rin si Sebastian at ang kanyang mga likha sa TV dahil sa kanyang galing at diskarte upang kumita ng pera. Kahit na kumikita na ng pera si Sebastian sa kanyang art, mas ipina pag buti naman niya ang kanyang pag aaral at sinisiguradong ginagawa niya ang kanyang art kapag may bakante siyang oras.
+ There are no comments
Add yours