Isang Lalaki Namahagi Ng School Supply Packs Sa Mga Estudyante Ng Public School



Maraming mga taong nakakatanggap ng sobra-sobrang biyaya, at para maibalik nila ito ay gumagawa sila ng mabuting gawain o good deeds sa kanilang mga kapwa. Mayroong mga Pinoy na pinapasok ang mundo ng vlogging kung saan gumagawa sila ng kanilang mga videos saka ina-upload ito sa Youtube.
Katulad na lamang ng vlogger na si Lloyd Cadena na nagsimula sa paggawa ng mga comedy videos. Dahil sa mga nakakaaliw nitong videos ay kaya dumami ang kanyang mga subscribers at isa na siya sa mga most followed Filipino vloggers ngayon. 
Dahil malaki na rin ang kinikita niya rito, nagsasagawa siya ng mga charity events isang paraan upang makapagbahagi siya sa mga biyayang kanyang natatanggap.  
Kabilang sa kanyang tinulungan ngayon ay ang mga estudyante sa isang public school. Sa video na ginawa ni Cadena ay namahagi siya ng 1000 school supply packs sa mga bata sa La Huerta Elementary School sa ParaƱaque na kung saan ay dati siyang nag-aral.
Bilang preparasyon para sa event na ito ay namili sila ng mga school supplies sa Divisoria tulad ng 5,000 pirasong notebooks, 1000 pirasong lapis, pambura, crayons at ruler. Umabot sa Php100,000 ang kanilang nagastos sa pagbili ng mga ipamimigay na school supplies.
Siya rin mismo at kasama ang kanyang ilang mga kaibigan ang nag-pack ng mga nasabing supplies. 
Naging tradisyon na ni Cadena ang tumulong sa mga estudyanteng kapus-palad. Noong mga nakaraang buwan lang din ay namigay naman siya ng walong flat screen TV at mga dictionary sa nasabi ring paaralan. 

Ayon sa kanya, masarap sa pakiramdam ang mag-share ng mga natatanggap niyang blessings lalo na pa’t para sa mga estudyante dahil maging siya noong bata siya ay naranasarin rin niya ang hirap ng buhay. 

Marami namang netizens ang natuwa at humanga sa mabuting gawain na ginawa ni Cadena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa vlogger.

“Mabuting tao ka po talaga kuya.”

“Continue to be a good model sa mga bata at sa aming mga teenagers.”

“I really like the attitude of Lloyd kasi shine-share niya yung gma money niya sa mga nangangailangan and that means hindi siya selfish.”

+ There are no comments

Add yours