Isang Tatay, Tumatakbo ng Umaabot sa 17Km Mula Opisina Upang Makauwi Lang ng Maaga sa Bahay


Isang ama ang tumatakbo ng labing anim na kilometro araw araw para maiwasan ang mabigat na trapiko para lamang makauwi sa kanyang mga anak ng maaga. Ang kanyang opisina ay nasa Pasay at nakatira siya sa Malabon. Naging usap usapan ngayon sa social media ang trenta’y siete na tatay matapos niyang ibahaging tinatakbo niya ang humigit kumulang na labing anim na kilometro araw araw para lamang maka uwi siya sa kanilang bahay ng maaga.
Ang kanyang pangalan ay Jayson King Tan at napag alaman na ang kanyang karaniwang gawain ay takbuhin ang Pasay papuntang Malabon pagkatapos ng kanyang trabaho. Natatakbo ni Jayson mula Pasay hangang sa kanilang bahay sa Malabon ang labing anim na kilometro sa isang oras. Ang rason kung bakit ginagawa ni Jayson ang sakripisyong ito ay dahil gusto niyang gugulin ang kanyang oras sa kanyang mga anak at hindi sa trapiko ng Maynila.

Ibinahagi ni Jayson sa isang facebook group ang kanyang kwento at sinabing nag simula niyang takbuhin ang Pasay hangang Malabon pag katapos hilingin ng kanyang anak na babae na umuwi siya ng bahay ng maaga. Dahil dito, nakakapag ehersisyo na siya araw araw at nakaka uwi pa siya ng bahay ng maaga. Naniniwala si Jayson na mahalaga ang oras para sa pamilya at masiya siya na nagagawa niyang makauwi ng bahay ng maaga habang gising pa ang kaniyang mga anak. 
Dahil dito, nagkakaroon sila ng pagkakataon na maglaro pa dahil ang bawat saya daw ng kaniyang mga anak ay ang pinaka magandang reward na natatanggap niya. Talaga namang kamangha mangha ang ginagawa ni Jayson at magsilbi sana siyang inspirasyon sa ibang mga magulang. Katulad ng kasabihan, Kung may gusto may paraan. Katulad ng ginawa ni Jayson, kaya mo rin ba mag sakripisyo para sa iyong mga mahal sa buhay?

+ There are no comments

Add yours