Mabait Na Lalaki Na Nagbigay Ng Tulong Sa Isang Buntis Na May Kasama Pang Bata Habang Nakasakay Sa Jeep



Sa panahon ngayon, malimit na lamang makatagpo ng mabuting samaritano. Ngunit di maikakaila na mayroon pa ring may busilak na pusong handang tumulong sa anumang oras kahit na hindi naman nila kaano-ano ang kanilang tinutulungan. 
Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Khen Pili ang kanyang nasaksihang pagtulong ng isang di nakilalang mabuting lalaki sa isang babaeng buntis na malapit ng manganak habang sila ay nakasakay sa isang pampublikong jeep. 
Bahagi ng netizen na habang nasa biyahe sila na papunta Lipa ay nakasabay niya itong buntis na ginang na may kasama pang maliit na anak. Aniya, iyak raw ng iyak ang bata at napansin ito ng lalaki sa kanilang tabi. 
“Kanina nung nasa byahe ako papuntang Lipa, may nakasabay akong buntis kasama ang kanyang anak na maliit at asawa, habang nasa daan kami. Iyak ng iyak ang anak nung babae na buntis at napansin ito ni kuya, binigyan niya yung bata ng 500 pesos pang kain daw, tapos napansin namin na parang iba na yung lagay nung buntis. Nalaman namin na manganganak na pa ito at dadalhin pala sa paanakan sa Lipa. Wala sila sasakyan kaya nagbyahe na lang sila, then dinagdagan pa ni kuya ng 1k yung una niyang binigay na 500 nung nalaman na aanak na pala yung babae, ibinigay din niya ang number niya sa mag asawa at tawagan daw siya kung sakaling kailangan ng tulong at tutulong daw siya.”

Binigyan ng mabait na lalaki ng Php500 ang bata para may pang kain daw ito. Ngunit napuna rin nila na parang iba na ang lagay ng babaeng nagdadalang tao at tila napapangiwi na lamang ito. Napag-alaman ng netizen na manganganak na pala ito at dadalhin sa isang paanakan. 
Dahil wala silang sasakyan, tiniis na lamang nilang magbyahe. Nang malaman ng mabait na lalaki na manganganak na pala ang babae ay dinagdagan pa niya ng isang libo ang perang kanyang iniabot sa mag-ina. 
Ibinigay rin niya ang kanyang contact number upang kung sakaling nangailangan sila ng tulong ay tutulong raw siya sa kanila.
Natuwa naman ang mga netizens sa kabutihang loob na ipinakita ng lalaki at hinihiling na sana ay dumami pa ang kagaya niyang matulungin sa kapwa.
“Salamat sa paggamit sayo ng Panginoon. Di lang doble siksik at umaapaw pa ang balik sayo niyan ni Lord. Godbless po.”

“Wow, super bait ni kuya.”

“Saludo ako sayo kuya, sana ay marami pa ang katulad mo.”

1 comment

Add yours
  1. 1
    judith

    sana maging ok naman si mrs sa panganganak niya at sana huwag ng dagdagan pa ang anak nila kasi mahirap ng maraming anak.. at sa nag tulong .. maraming salamat naman saiyo mr.. pag palain ka ng Dios..

+ Leave a Comment