6 Na Pagkaing Dapat Kainin Upang Malabanan Ang Stress
Ang stress ay sadyang nakakaperwisyo sa ating kalusugan. Minsan kahit anong pilit nating gawin upang makaiwas sa stress, ay siya mismo ang lumalapit sa atin. Marahil napakaraming bagay at solusyon ang pwedeng gawin upang maiwasan ito.
Ngunit alam niyo ba na mayroon ding palang mga pagkaing nakakatulong upang malabanan ang stress. Narito at alamin ninyo.
1. Saging
Ang prutas na saging ay napakasustansya. Bukod sa naglalaman ito ng Vitamin C ay mayroong din itong epektibong stress fighting nutrient. Nakakatulong pa itong i-repair ang cell damage sa katawan na dulot ng pagka-stress.
2. Chamomile
Ang chamomile ay isang herb na mayroong parang bulaklak na katulad ng daisy. Ito ay matagal ng ginagamit bilang natural na remedyo sa napakaraming kondisyon. Ginagamit ito sa mga essential oils, cosmetics, tsaa, at iba pa.
Magandang inumin ang tsaa na gawa sa chamomile dahil nakakatulong itong makapagpa-relax ng katawan sa tuwing nakakaranas ng stress. Ito rin ay nakakatulong upang malabanan ang depresy0n at anxiety.
3. Oats
Ang pagkain ng isang mangkok ng oats na may kasamang prutas tuwing umaga ay nakakatulong sa mood swings. Ito ay nakakatulong sa pagdagdag ng positibong enerhiya dahil ito ay isang serotonin enhancer o mas kilala bilang happiness hormone.
4. Yogurt
Nakakatulong ang calcium content ng yogurt upang malabanan ang stress. Nagtataglay rin ito ng mga good bacteria na healthy sa ating katawan at pangontra sa depresy0n at pagkabalisa.
5. Ginseng
Sa mga pag-aaral, ang ginseng ay nagtataglay ng anti-stress properties. Ang tsaa nito ay magandang inumin upang masuportahan ang katawan at malabanan ang oxidative stress na nararanasan ng katawan.
6. Nuts
Ang stress ay nakakapagpababa sa Vitamin B na nakatago sa ating katawan. At ang pagkain ng nuts ay nakakatulong upang maibalik ang nawalang bitaminang ito. Ang mga B vitamins ay tumutulong upang sugpuin ang stress sa katawan. Ang potassium na taglay rin ng mga ito ay nakakapagpababa ng blood pressure at nakakabawas sa tensyon sa ating puso.
Wow good infor