Anak ng Magsasaka, Nakakuha ng Php15.7 Million Worth ng Scholarship sa Wesleyan University sa US


Isang anak ng pinoy farmer ang pupunta sa US pagkatapos makakuha ng isang scholarship na nagkakahalaga ng 300,000 dollars o umigit sa 15.7 Million pesos upang makapagaral sa isang prestihiyosong paaralan sa Connecticut. Lumaki siya sa isang bukid sa Sigma Capiz, si Aldrean Paul Elvira Alogon ay madalas gugulin ang kaniyang mga libreng oras sa palayan kasama ng kaniyang mga barkada. 
Noong kaniyang kabataan, madalas din siyang tumambay sa opisina ng kaniyang ina na kung saan ito ay principal ng isang elementary school sa kanilang bayan. Nakuhang mahalin ni Aldrean ang siyensya mula sa mga libro na binabasa niya sa opisina ng kaniyang ina kasama na ditto ang mga encyclopedias at ibang resources pa na ibinahagi at idinonate sa paaralan.

Ang bata ay nagpamalas na ng katalinuhan kahit ito ay bata pa lamang at nakapagtapos ng valedictorian noong ito ay elementarya. Nagaral ito sa Philippine Science High School Western Visayas Campus sa Iloilo City. Dahil sa determinasyon na makapagtapos at matuto, hindi ininda ni Alrean ang pagbyabyahe ng dalawang oras mula bahay hanggang eskwelahan. Kahit na lumaki sa palayan, nakuha ni Alrean na maging sikat sa kaniyang eskwelahan sa larangan ng akademiko. Nagiging school representative pa ito sa maraming kompetisyon sa provincial at regional level.
Napabilang din si Alrean bilang representatibo sa international competitions gaya ng International Olympiad on Astronomy and Astrophysics na kung saan ay sumali siya ng dalawang beses sa India noong 2016 at Thailand noong 2017. Naenganyo din si Alrean upang mag apply sa isang Freeman Asian Scholarship sa Wesleyan University, Connecticut. Dagdag pa ditto, nanalo din itong student government. Kada taon ay onseng estudyante lang ang nabibigyan ng pagkakataon para sa Freeman Asian Scholarship na kung saan ay napabilang siya dito! 

+ There are no comments

Add yours