Babae, Pinigilang Pumasok ng Guwardya ng BIR sa Dahilan na Hindi Ito Nakasuot ng Pantalon




Ipinanganak ng walang binti at kulang sa pisikal na pangangatawan ang nag viral na si Nancy Torrelino Boroc pagkatapos siyang hindi papasukin ng security guard sa loob ng BIR building dahil hindi siya naka suot ng pantalon! Kahit na halata namang hindi siya makakapag suot ng pantalon dahil kulang ang kaniyang pisikal na pangangatawan. Mula sa post sa Facebook, ibinahagi ni Nancy kung paano hindi siya pinapasok ng security guard sa gusali ng BIR Calbayog sa Samar. Pinagsabihan siya ng security guard at ang kaniyang kasama na dapat sila ay dapat nakasuot ng pantalon upang maka pasok sa loob ng BIR. Sinabi pa ng security guard na kahit sila ay naka suot ng sapatos, ay hindi pa rin sila maaring maka pasok ng building dahil sa bagong release na memo mula sa opisina ng nasabing gusali.
Kahit na sinabi ni Nancy ay siya ay isang PWD at hindi makapag suot ng pantalon dahil sa kanyang kondisyon, pinilit pa rin ng guwardya na hindi siya papasukin. Dahil hindi talaga makapasok si Nancy at ang kanyang kasama, kinailangan pa nitong umuwi sa kanilang bahay upang makapag palit ng damit. Kinailangan din niyang mag suot ng medyas sa kanyang tuhod upang makapasok sa loob ng gusali.

Marahil ay sumusunod nga lang ang gwardya sa utos ng gusali at pwedeng mawalan ng trabaho kung pinapasok niya ito. Ngunit dahil dito, maraming mga netizens ang nag-bigay ng komento na dapat tratuhing isang espesyal na kaso ang kalagayan ni Nancy dahil siya ay isang espesyal na tao. Nilinaw din ni Nancy sa kanyang Facebook account ang kaniyang naging karanasan para kumalat ang kamalayan ng ibang tao sa mga kagaya niyang ganito ang sitwasyon.
Ayon kay Nancy, nais niyang mamulat ang mga tao sa katotohanan at realidad. Na kahit saan tayo magpunta ay kinakailangan natin malaman ang katotohanan at realidad. Nais niyang malaman ng ibang tao na ang mga kagaya din nila ay may karapatan at kapareho lang nila ang mga ibang tao na normal. Nais din niyang malaman ng iba na mayroon silang mga karapatan at pribilehiyo at sana ay tratuhin din sila na patas gaya ng iba. 


+ There are no comments

Add yours