Batang Lalaki na Nagtitinda ng Sampaguita sa Labas ng Simbahan, Umani ng Papuri Mula sa mga Netizens
Bumilib ang mga netizens sa isang batang lalaki na nakatulog habang nag aaral at may hawak hawak na sampaguita sa labas ng katidral sa Lipa Batangas. Marami ang umaasa na makapag hanap siya ng scholarship para hindi na siya mag benta ng sampaguita upang kumita ng pera para sa kanyang baon sa eskwelahan. Sa isang post sa Facebook ni Sha Lim Pua, nag bahagi siya ng mga larawan ng bata na nakatulog sa park na malapit sa katidral. Naka patong ang libro sa kanyang hita habang may hawak hawak na sampaguita sa kanyang kamay ay nakatulog ang batang lalaki sa pader ng walkway.
Mahahalatang pagod na pagod ang bata at ginawang unan ang kanyang bag. Maraming mga netizens naman ang pumuri kung gaano kasipag ang batang ito at nakayang pag sabayin ang pag aaral habang nag bebenta ng mga sampaguita. Nangyari lamang na sa sobrang pagod nito ay bigla nalamang siyang nakatulog. Makikita namang sa sobrang pagod ng bata ay nakuha pa niyang pag sabayin ang kanyang pag aaral at pag bebenta sa araw na iyon.
Maraming mga netizens ang humiling na sana ay maging matagumpay siya sa kanyang buhay, marami siyang mapuntahang mga lugar dahil sa kanyang pag pupursigi at kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Para kay Sha Lim Pua, hiling niya na sana ay may mag bigay sa batang ito ng scholarship at makapag bigay ng motibasyon sa ibang bata. Marami naman ang hindi nagustuhan sa ginawa ni Pua na kuhanan ang litrato ang bata at hindi nalang ito tulungan.
Inexplain naman niya na tinulungan niya ito ngunit mas pinili niyang hindi kunan ng litrato kung magkano ang binigay niya sa bata dahil ang gusto niya ay magfocus kung gaano kasipag ang bata at mag bigay inspirasyon siya sa ibang tao. Dahil sa trending na litrato ng bata, marami ang gustong tumulong sa kanya. May mga netizens na nag tatanong kung paano mapapadalhan ng tulong pinansyal ang bata. Inupdate naman ng mga netizens na matatagpuan ang bata pag katapos ng kanyang klase ng alas tres ng hapon sa labas ng katidral ng Lipa, Batangas.
+ There are no comments
Add yours