CEO ng Isang Kumpanya, Nagbigay ng Bagong Sasakyan sa Empleyado na Naglakad ng 20Miles
Isang estudyante mula Alabama College sa Amerika ang nag lakad ng tatlong pu’t dalawang kilometro sa dilim para makapasok sa kanyang trabaho! Ayon sa CEO ng kumpanya, na inspire siya dito dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho kaya nama’y binilhan niya ito ng isang sasakyan! Ang estudyanteng ito ay si Walter Carr. Hindi siya makahanap ng masasakyan noong nasiraan ang kanyang sasakyan. Kaya naman ang kanyang ginawa ay nag simula siyang mag lakad ng hating gabi para makapasok sa trabaho ng alas otso ng umaga.
May mga mabubuting pulis na nag magandang loob na isinabay siya at pinakain pa ng umagahan bago ihatid siya sa isang bahay ng customer na nagngangalang Jenny Lamey. Sinabi ni Lamey na hindi tinanggap ni Carr ang kanyang tulong na mag pahinga muna siya sa kanyang bahay at marami pa siyang energy para sa kanyang trabaho kaya naman nag post si Lamey sa isang website upang tulungan si Carr mag karoon ng pera para mapaayos ang kanyang sasakyan. Ayon sa mga pulis, nakita nila si Carr na nilalakad ang Highway 280 kaya naman kinailangan nilang huminto para icheck ang kanyang kondisyon.
Ayon kay Lamey, napukaw ni Carr ang puso nito dahil sa kaniyang pagiging mapagkumbaba, mabuti at masiyahin at lalo na sa pagkakaroon ng mataas na pangarap. Pagkatapos makita ang Facebook post ng CEO na si Luke Marklin, dali dali siyang nag drive mula Tennessee papuntang Alabama kasama ang kanyang surpresang sasakyan na 2014 Ford Escape. Parehong gustong tulungan ni Lamey at Marklin ang binatang si Walter Carr.
Si Walter Carr ay dating nakatira sa New Orleans at ngayo’y naninirahan sa Birminghan, Alamaba pag katapos mawalan ng bahay dahil sa Hurricane Katrina. Sinabi rin ni Carr na sana ay nakapag bigay siyang inspirasyon sa ibang tao na kung may gusto silang may mang yari sa buhay, ay kailangan nilang ipag laban ito kahit na sumakit ang iyong mga paa.
I salute you sir,,Godbless and more power