Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis



Ayon nga sa isang kasabihan, “walang sikretong di nabubunyag.” Minsan nga kahit sa buhay mag-asawa ay di mapipigilang may nakatagong sikreto ang bawat isa.
Ngunit hindi nga sa lahat ng oras ay maitatago ang sikreto. Darating at darating ang panahon na kung saan mayroong makakalam nito at minsan pa ay sa di inaasahang pagkakataon. Katulad na lamang ng isang sitwasyong ito na ang nakapaglabas pa ng sikreto ng mister ay isang alagang pusa!
Isang babae sa bansang Thailand ang naglahad ng kanyang istorya na kung saan ang kanilang alagang pusa ay naibunyag ang tinatagong sikreto ng kanyang mister.
Nakilala ang babae bilang si Bow Kanuengnuch nang ibahagi niya sa kanyang Facebook post ang nangyari. Ayon sa kanya, natagpuan niya ang isang sikretong kahon na puno ng pera na nakalaglag sa sahig sa kanilang bahay. Ang kahon na iyon ay gamit ng kanyang asawa upang doon magtago ng pera. 
Kwento niya na tumalon raw ang kanilang alagang pusa sa cabinet at di sinasadyang naitulak ang kahon na tinatago ng kanyang mister. 

Bago pa nangyari ang insidente ay humihingi raw siya ng pera sa kanyang mister upang pambayad sa mga gastusin sa bahay ngunit ang sabi lang sa kanya ay wala raw itong pera. 
Kasama sa kanyang post ay ang larawan ng kanilang pusa na parang walang kamalay-malay sa nangyari habang tinititigan lang ang mga naglaglagan na mga pera sa sahig. Ayon pa sa misis, ang kahon ay mayroong laman na higit sa 2,000 baht o nasa mahigit Php 3,400. At karamihan sa mga ito ay mga tig 100 baht.
Samantala, maraming netizens naman ang natuwa nang dahil sa pusa ay nabunyag ang tinatagong lihim ng mister sa kanyang asawa. 
Hindi naman ginawang issue ng misis ang sikretong ito na tinatago ng kanyang mister sa halip ay natuwa na lang din siya sa nangyari dahil hindi naman lahat ito sinasadya. 


9 Comments

Add yours
  1. 2
    Unknown

    Ganyan n ganyan din nabunyag q eh. Naalala q tuloy ung nabunyag q rn sa kahon nmn ng cp tinago tag iisang daan din at nsa 4500 nmn. Hehehe tawa q ng tawa ung nkita q ito. Pinabasa q rn sa asawa q tawa rn xa ng tawa hehehe.

  2. 3
    Unknown

    Ako din po my karanasan din ako sa asawa ko na ganyan, nag titiis kami na walang ulam gulay nalng lagi pero naka tago pla ang pera nya sa wallet akala ko kc papel lang doon pala sa loob ng mga papel na yon ay my pera, birrhday ng panganay namin bumili sya ng letson na manok sabi ko saan ka kumoha ng pera saka nya lng pinakita sa akin na doon nya pla tinatago ang pera nya….

  3. 4
    Unknown

    yung experience q nmn binilan q xa ng helmet tas yung luma nya na helmet hinugasan q kz maalikabok..nung ihahanger q na lumitaw yung pera sa ilalim ng styro ng helmet sa loob 6500 lahat toinks. buking hahahah

  4. 5
    Unknown

    Ha ha ,ako noong kabataan ko, mahilig ako maglagay ng Pera lata tapos tinatago ko sa likod ng making haligi sa likod sa loob ng bahay naming..isang araw may making tuko na huni ng huni doin sa taas ng pinaglagyan ko ng alkansiya sa inis ng tatay ko sinutsot nya ng matulis na bakal Yong tuko eh nabitawan nya Ang bakal tumama sa alkansiya ko ,tumunog! Tuwang-tuwa cya ng binuksan nya kc Wala daw cyang pambili fertilizer para sa palsy namin.. so yon pag uwi ko may mkita daw clang alkansya dshil sa tuko.. binayarsn Naman ng tatay ko Ang kalahati he he he.

  5. 7
    Unknown

    ako naman nabuko din nung misis ko dati. nakatago naman sa glove compartment nung van namin. e iniwan ko siya sa van sa unahan pagbalik ko binibilang na nya yung pera nasa 30k na yun surprise ko sana sa kanya sabi ko…hindi naniwala nyahahaha…

+ Leave a Comment