Estudyante ng Isang Eskwelahan, Nangolekta ng mga Boteng Plastic Upang Gawin ang Kakaibang Proyekto
Maraming mga magulang ang nag rereklamo dahil nagiging focus ang kanilang mga anak sa pag lalaro ng kung ano anong gadgets. Isang grupo ng mga bata ang nag viral sa social media dahil sa kanilang project sa school na pag gagawa ng mga burloloy at ibenta pag katapos. Ang mga batang ito ay mga estudyante mula sa Babatngon, Leyte. Maraming mga netizens naman ang humanga dahil sa kanilang proyektong environment-friendly.
Ibinahagi naman ng kanilang guro na si Shellarica Arinto at dinokyumento pa nito kung paano sila nag door-to-door para mabenta ang kanilang proyektong ginawa. Ang nalipon pala nilang pera ay gagamitin nilang pondo para sa kanilang school paper. Upang magawa ang kanilang proyekto, nangolekta ang mga batang ito ng mga boteng plastik at nirecyle pag katapos nilang hugasan para maging magagandang bulaklak na burloloy at lalagyan ng mga barya.
Nangolekta din sila ng mga lipasang damit mula sa kanilang mga magulang at kaibigan. Noong natapos na nilang gawin ang mga burloloy at may sapat na damit para maibenta, doon sila nag simulang mag door to door sa kanilang mga kapit bahay at eskwelahan. Dahil marami ang namangha sa ginawang burloloy ng mga estudyante mula sa boteng plastic at pag katapos ay binenta nila ito para sa kanilang school paper project, shinare ng isang journalist na nag ngangalang Rex Remitio sa kanyang Facebook account ang istoryang ito.
Nag viral ang post na ito sa social media kaya naman kasama ni Remitio ang ilang daang netizens na namangha sa ginawa ng mga batang ito. Pinuri din ang kanilang guro sa pag tuturo kung paano mapapangalagaan ang kapaligiran habang pinapractice din ang pagiging negosyante ng kanyang mga estudyante. Sa pamamagitan ng gabay ng kanilang guro, nag tagumpay ang mga batang ito sa kanilang proyekto sa school at paniguradong babaunin nila itong aral sa kanilang buhay.
+ There are no comments
Add yours