Gretchen Fullido Sumailalim sa Proseso ng Pag-Freeze ng Kanyang mga Egg Cells Upang Magamit Ito sa Future Sakaling Ready na Siya Magka-anak
Kamakailan lang ay ginulat ng news anchor na si Gretchen Fullido ang kaniyang Instagram followers pati na rin ang publiko nang isiwalat nito ang balitang sumailalim nga siya sa isang medical procedure na tinatawag na “oocyte cryopreservation”.
Ito ay ang proseso kung saan kinukuha ang mga egg cells o itlog ng babae at fini-freeze ito sa isang espesyal na lalagyan upang magamit sa future. Maaari itong kuhain at gamitin sa anumang oras na gustuhin ng isang babae na magkaroon ng anak. Ang procedure na ito ay tinatawag na oocyte cryopreservation na parang kahawig ng isang kilalang procedure na “in vitro fertilization”.
Kinakailangan munang mag-injection ng hormones ang isang babae upang mapahinog agad nito ang mga itlog at kapag nangyari ito, maari ng isagawa ang pagkokolekta at pagpapalamig sa mga nasabing egg cells. Sa ganitong paraan, may kalayaan ang isang babae kung kailan niya gustong magbuntis.
“Been praying about this for a few years now and my dream finally came true!!! It’s the best birthday gift I can ever give to myself!!!”, pahayag ni Gretchen sa kaniyang Instagram post.
Isinagawa ang nasabing proseso sa Victory Art Laboratory na matatagpuan sa Makati City sa tulong ng mga doktor na sina Doctor Gia at Greg Pastorfide.
Ayon sa impomasyon hatid ng ilang reports, nagkakahalaga ang nasabing medical procedure ng $10,000 o humigi’t kumulang kalahating milyong piso.
Maliban dito, kinakailangan pang magbayad ng $500 o 26, 200 pesos kada taon para sa pagtatago ng mga itlog sa espesyal na lalagyan. Hindi rin kasama sa mga gastusing ito ang proseso ng paglalagay ng mga itlog sa matres ng babae na kabilang sa mga gagawing proseso para siya ay mabuntis.
“Now I can take control of my life, no rush on anything and have a baby in my own time, in God’s perfect time, ” dagdag pa ng news anchor.
Hinikayat rin ni Gretchen ang kaniyang mga fans na kung pinag-iisipan ng mga ito na sumailalim sa nasabing procedure ay gawin na nila dahil maganda ito para sa mga kababaihan upang hindi magmadali sa pag-aasawa at hindi ma-stressed sa kakaisip kung ilang taon nalang ang natitira para makapagbuntis.
Maliban kay Gretchen, ang ilang kilalang personalidad sa ating lipunan kagaya nina Iza Calzado, Korina Sanchez at Ai-Ai Delas Alas ay sumailalim din a nasabing medical procedure.
Sa ngayon ay nasa edad 35 na si Gretchen at patuloy ang kanyang pagiging News Anchor sa Showbiz Industry.
Ikaw, ano ang palagay mo sa bagay na ito? Nanaisin mo rin bang sumailalim sa “oocyte cryopreservation”?
+ There are no comments
Add yours