Isang Bata Nakabili Ng Bagong Cellphone Dahil Sa Kanyang Mga Inipon Na Barya



Ang pag-iipon ay walang pinipiling edad. Mas mainam nga na kung bata ka palang ay simulan na ang iyong pag-iipon ng pera dahil para kahit papaano ay may naitatabi ka na para sa iyong kinabukasan  at kung sakaling nangailangan ka ay mayroon kang huhugutin. 
Minsan, nag-iipon ang isang tao dahil mayroon siyang nais na mabili. Katulad na lamang ng isang nakaka-inspire na batang ito na nakapag-ipon ng pera upang makabili siya ng kanyang sariling cellphone.
Sa larawan na iniupload ng cellphone brand agent na si Daniele Dancel ay makikita ang kanyang naging customer na mag-ama na bumibili ng isang adroid cellphone na nasa halagang Php7,000 sa kanilang shop na Asianic sa SM Sta. Mesa.
Upang mabili ng mag-ama ang nasabing phone unit, ang pinambayad nila ay mga tumpok-tumpok na barya na may iba’t ibang denomination. Sa istante ng kanilang tindahan ay doon binilang nila ang mga baryang naipon ng bata.
Hindi naman nag-atubili na tanggihan ng ahente na si Dancel ang mga barya na ipinambayad sa kanila. Sa kanyang caption ay inilagay niya na:
“Kung papipiliin ka, piliin mo na wag maging mapili sa pag pili ng mga mamimili.”


Tama nga naman na hindi dapat tinatanggihan ang mga customer na barya-barya ang mga ibinabayad. dahil pera pa rin naman ang mga iyon. Mayroon kasing ibang mga tindahan na kapag barya ang ipinambabayad ay tinatanggihan nila ang mga customers nila. 
Hinangaan rin ng ahente ang ginawang pag-iipon ng bata upang mabili ang cellphone na kanyang gusto. Dahil sa murang edad pa lang niya ay alam na niya ang kahalagahan ng pag-iipon at hindi siya basta-basta na lamang humingi sa mga magulang upang makabili ng kanyang gustong gamit. 
Marami namang netizens ang nainspire sa kwento ng bata at dapat raw na tularan ang kanyang ginawang pag-iipon. Ngunit isang paalala lamang na ang mga bata ay hindi dapat hinahayaang magbabad sa paggamit ng mga ganitong gadgets. 

+ There are no comments

Add yours