Isang Bata Nakabili Ng Milyong Halagang Property Dahil Sa Mga Videos Sa Youtube



Marami na ang mga sumisikat na mga tao ngayon dahil sa paggawa ng mga Youtube videos. At ang nakakagulat pa rito, ay pinagkakakitaan nila ang mga ito. Katulad na lamang ng isang batang babae na 6 anyos lamang na naging isang Youtube sensation ngayon.
Ang Korean girl ay nakilala bilang si Boram. Siya ang star sa kanyang channel na Boram Tube Toy Review at Boram Tube Vlog. Ang dalawang channel niyang ito ay mayroong milyong milyong subscribers na umabot na nang 13.6 million at 17.5 million. 
At napabalita sa isang site na LAD Bible, na kumikita siya ng mga $3 million kada buwan kaya naman nakabili ang kanyang pamilya ng isang napakamahal na property sa Gangnam sa South Korea kung saan sila ay naninirahan. 
Sa kanyang channel, ang batang vlogger ay gumagawa ng mga toy reviews, naglalaro ng mga toys kasama ang kanyang magulang at kaibigan, at ibinabahagi ang ilang aspeto ng kanyang araw-araw na buhay.
Hindi maikakaila na isa siya sa mga sikat na Korean Youtubers ngayon. Sa laki ng kanyang kinikita kada buwan, ay hindi naman nakakapagtaka kung bakit nakabili sila ng napakamahal na property na nasa $7.9 million ang halaga. 

Ngunit maraming netizens rin ang nababahala dahil napakabata pa ni Boram para ma-exposed sa social media lalo na pa’t pinagkakakitaan nila ang mga videos niya. Mayroong ilang mga tao na nagsasabi na kahit na karamihan sa content ng kanyang vlogs ay wholesome, mayroong videos na dapat bigyan ng atensyon dahil ilan sa mga ito ay nagpapakita ng bad values at behavior.
Katulad na lamang ng nireport ng isang charity organization na Save the Children dahil ang isa mga videos ni Boram ay pinapakitang kumukuha siya ng pera sa wallet ng kanyang magulang. Na ang pag-uugaling ito ay hindi dapat tino-tolerate.
Dahil dito, sumailalim sa counseling ang kanyang mga magulang upang maiwasan na ang mga ganitong insidente. 

+ There are no comments

Add yours