Isang Lalaki, Naglakad ng 800KM Patalikod Upang Maisalba ang mga Kagubatan!




Naaalala niyo ba ang balitang gagawing gym ang Arroceros Forest Park (Ang huling gubat ng Maynila)? Isang mabuting balita ang ibinahagi sa atin na hindi na ito matutuloy at hindi na rin kina kailangang putulin ang mga puno nito! At dahil dito, isang lalaki mula sa Indonesia ang nagsimulang maglakad ng walong daang kilometro ng naka talikod upang mapanitili ang mga kagubatan sa kanyang bansa!
Ang kanyang pangalan ay Medi Bastoni, may apat siyang anak at isang apat na pu’t tatlong taong gulang na lalaki na mula sa Dono Village sa East java na kung saang misyon nya ay mapanatili ang kagubatang Indonesia sa pamamagitan ng pag lalakad ng naka talikod hangang sa kabisera ng kanilang bansa! Balak din niyang kitain ang Presidente ng kanyang bansa na si Joko Widodo upang humingi ng tulong na mag tanim ng ibat ibang uri ng puno sa dalisdis ng bundok ng Wilis sa Indonesia.

Ang kaniyang suot ay ang kulay ng bandila ng Indonesian flag na nakalagay sa kaniyang bagahe at nakasuot din siya ng bandana sa kaniyang ulo na nagsisimbolo ng Indonesian Emblematic Golden Eagle na nakasulat ang mga katagang ‘Tanda Bakti Anak Negri’ o nagkakahulugang tribute ito sa kaniyang inang bayan. Ang lalaki na ito ay lumarga ng kakaibang imahe kagaya na lamang ng pagsuot ng tracksuit pants, high-vis vest, at may nakalagay na pahabang contraption ng tubo sa palibot ng kaniyang katawan na may nakakabit na salamin sa taas ng kaniyang mata upang magsilbing rear view mirror upang makalakad siya ng patalikod ng hindi nahaharangan ng kahit anong bagay.
Umalis siya sa kaniyang bahay at nagsimulang maglakad simula noong ikalawang linggo ng Hulyo upang makarating sa Jakarta’s State Place ng August 17 upang gunitain ang 74th independence day ng kanilang bansa. Ayon sa kaniya, ang paglalakad niya ng patalikod ay upang maipahatid sa mga kapwa niya Indonesian na sila ay tumingin sa nakaraan at magreflect sa historika ng kaniyang nasyon at ang mga nagawa ng kanilang mga bayani na lumaban para sa kalayaan ng kanilang bansa. Mahahalintulad naman ang paglalakad nito ng patalikod sa isang kotse na naglalakbay ng 30mph at ang sasakyan ay maitatakbo ang 100km sa loob ng 3 oras. Wag natin kalilimutan ang ginawa ng lalaki na paglalakad ng 800KM upang maisalba ang kagubatan. 


+ There are no comments

Add yours