Isang Senior Citizen na Edad 80 Years Old, Naglalakad ng 20 Kilometro Araw-araw Upang Maglako ng Bagoong
Sa kabila ng kanyang matandang edad, nakilala sa social media ang isang lolo na nag nangangalang Manong Lauro dahil nilalakad niya ang humigit na 20 kilometro araw araw mula sa kanyang bahay sa Bitukang Manok na matatagpuan sa Pandi, Bulacan. Mula sa Bitukang Manok nilalakad niya hangang Real de Cacarong na malapit sa dulo ng Pandi Bulacan para makapag benta siya ng bagoong.
Sa pag dadala niya ng isang baldeng bagoong mula Bitukang Manok, kumikita si Manong Lauro ng singkwenta pesos at sa gayon na isip niyang mas mabuti pang mag lakad siya imbis na gamiting ang kanyang kinita sa pag sakay ng jeep o bus. Pag katapos mag viral ang kanyang kwento sa Trending Pinoy Videos’ Facebook page, maraming mga netizens ang nag kumento dahil sa kanyang edad ay hindi na dapat nag bubuhat ng mabibigat katulad ng isang balde ng bagoong si Manong Lauro at mag lakad ng 20 kilometro araw araw.
Marami ding mga netizens ang naawa kay Manong Lauro dahil kumikita lamang ito ng 50 pesos laban sa minimum wage sa Bulacan na tatlong daang piso. Ang ibang mga netizens naman ay pinuri ang kasipagan ni Manong Lauro.
May mga netizens naman na nag sabing kung sino man ang dapat ma iboto sa susunod na eleksyon, ay dapat bigyan ng pansin ang mga kailangan ng mga mahihirap at matatandang katulad ni Manong Lauro upang matulungan sila kahit sa mga maliliit na paraan. Sa ganitong edad, maraming mga matatanda ang dapat na ineenjoy ang kanilang retirement ngunit si Manong Lauro ay kina kailangang mag trabaho para makakain araw araw at may maibigay sa pamilya niya.
+ There are no comments
Add yours