Lalaki na may Kapansanan ang mga Kamay, Napabilib ang mga Netizens Dahil sa Talento Nito sa Pagguhit





Sabi nga nila ang isang talento ay mas lalong lumalago kapag lagi itong ginagamit o di kaya naman ay ibinabahagi sa iyong kapwa. Tulad nalang ng kagalingan ng isang lalaki na ito na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil sa magaganda niyang obra sa kabila ng kaniyang kapansanan. 

Hindi nabanggit ang pangalan ng lalaki sa Twitter post ng isang concerned netizen na nagngangalang Meicah Patino ngunit kapansin-pansin ang kaniyang mga likha na aakalain mong gawa ng isang normal na tao at walang kapansanan. 

Ayon sa nagbahagi ng litrato, nakikita niya ang talentadong lalaki sa underpass ng Manila City Hall kung saan madalas siyang mapadaan. 

Image Courtesy:facebook/miecah.patino/


“Hi guys, I didn’t catch Kuya’s name pero I hope na matulungan natin siya. Gumagawa po siya ng drawings by ballpen and p’wede din po magpadrawing kayo sa kanya ng portraits n’yo”, banggit ni Miecah sa kaniyang Twitter post. 

Ang naturang lalaki ay nakaupo lang sa sahig sa gilid ng pader habang abala sa kaniyang pagguhit gamit ang ballpen at kapirasong papel. Hindi nito alintana ang mga dumadaang tao at patuloy lang sa kaniyang ginagawang obra. 

Image courtesy: facebook/miecah.patino/

Sa gilid niya ay makikita ang ilan sa mga obrang talaga namang nakakamangha. Sa kabila nga ng pagiging putol ng isa niyang kamay ay nagagawa niyang makalikha ng magagandang imahe. Ilan sa kaniyang mga naiguhit gamit ang ballpen ay ang sikat na Eiffel Tower at mukha ng ilang santo at mga tao. 

Ang mga customer ng lalaki ang siyang bahalang magbibigay ng presyo sa kaniyang mga ibinebentang drawing at maaari ka ring magpadrawing sa kaniya ng kahit na anong gusto mo sa halagang kaya mo. 
Image courtesy: facebook/miecah.patino/

“It’s up to you kung magkano ipepresyo n’yo. Hindi po siya nagpepresyo. And if may extra kayong pang-painting like poster paints, notebooks, or brushes, p’wede din n’yo pong i-donate sa kanya.”

Image courtesy: facebook/miecah.patino/


Sa pamamagitan ng paki-usap na ito para sa mga netizens ay dumagsa ang tulong para sa lalaki at ang ilan ay nagsimula na ring bumili ng kaniyang mga obra. Ang ilan namang netizens ay pinatunayan ang kwento ng nagbahagi ng larawan at sinabing madalas din daw nilang makita ang lalaki sa tuwing dadaan sila sa underpass ng Mania City Hall. 

Tunay ngang karapat-dapat tulungan ang mga ganitong tao na hindi nanlulumo sa kanilang kapalaran sa halip ay gumagawa ng paraan para makabangon at patuloy na maging inspirasyon sa mga taong nakakakita sa kanila.


+ There are no comments

Add yours