Mag-ingat sa mga Inumin na Mukhang Juice na Pambata Pero may Halong Alc0h0l Pala na Nabibili sa mga Supermarket
Bilang mga magulang, hangad ng halos lahat sa atin na mapabuti ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak kaya naman ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para maibigay ang kanilang mga pangangailangan. Sa katunayan, ilan sa mga magulang ang mabusising pinipili at naghahanda ng mga babaunin ng kanilang mga anak sa paaralan para lang masiguro na ang mga kinakain nito ay masustansiya at ligtas kainin. Marami na kasing insidente ang nangyari sa iba’t ibang paraalan kung saan mayroong mga estudyante ang naisugod sa hospital dahil sa mga pagkaing hindi kanais-nais.
Ito rin ang dahilan ng Senador na si Pia Cayetano kung bakit nais niyang alisin sa mga grocery at convenient stores ang isang inumin na mukhang ordinaryong juice ngunit nagtataglay pala ng alc0hol at nakakalasing.
Ito ay walang iba kundi ang “Alcopops” ready-to-drink juice na may 3% hanggang 7% na alc0hol content. Ayon pa kay Cayetano, ang packaging ng naturang inumin ay kamukha ng mga kilalang juice na madalas bilhin ng mga estudyante at ginagawang baon sa paaralan. Mayroon din itong makukulay na disenyo depende sa flavor at mayroon pang sariling straw!
“Some of the supermarkets I’ve been to have a section for alc0hol beverages. This one is [placed] beside the juice for kids. For some nasa alcoh0l section, sa iba sa juice [section] and it is easily available in convenience stores, in groceries”, she said.
“May straw pa,” pahayag ni Pia sa ginanap na Senate committee meeting noong ika -15 ng Agosto taong kasalukuyan.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang Senadora at napag-alaman niya na sa ibang pamilihan ay nakalagay ito sa alc0holic beverage section samantalang sa iba naman ay halos katabi lang ng mga pangunahing juice na binibili ng mga bata. Ang isa pang napag-alaman niya ay ang nakababahalang sistema sa mga nasabing establisyemento dahil hindi man lamang itinatanong ng mga kahera kung ilang taon na ang bumili ng Alcopops juice samantalang nasa Saligang Batas na dapat ay hindi sila nagbebenta ng mga inuming nakalalasing sa mga bayang edad 18 pababa.
Tunay ngang nakakabahala ang ganitong pangyayari kaya naman ganoon na lamang kung ipaglaban ng Senadora ang kapakanan ng karamihan sa mga batang walang muwang.
“Mananawagan ako sa matitino at maayos na businessmen na siguro naman sarili n’yong anak hindi nyo paiinumin niyan, whether sari sari store, grocery store. Hindi kailangang antayin na may ilabas na regulations ang DOH at FDA for us to know that children should not be drinking products that are supposed to be sold to adults,”
dagdag pa ni Cayetano.
+ There are no comments
Add yours