Manny Pacquiao Pinasaya ang mga Kababayan sa Pamamahagi ng Biyaya at Kaunting Tulong Para Sa mga Mahihirap!





Nakasubaybay ang libu-libong tao sa buong mundo sa tuwing mayroong laban ang itinanghal na Pambansang Kamao ng bansang Pilipinas na si Senator Manny Pacquiao. Dala-dala niya ang bandila ng ating bansa sa lahat ng kaniyang laban pati na rin ang karangalang maipakita ang galing ng mga Pilipino sa mga banyaga. 

Maliban sa karangalan ng bansa, kasabay rin ng pagkapanalo ni Pacquiao ang pag-asa ng ilan nating kababayan na muli na naman silang makakatanggap ng biyaya mula sa kaniya. Naging kaugalian na kasi ng Senador na mamigay ng kaunting tulong sa mga kapos-palad niyang kababayan sa probinsiya ng Saranggani. 


Sa katunayan, bawat laban ay iba’t ibang lugar at mga tao ang kaniyang pinupuntahan at natutulungan. Nitong buwan nga ng Agosto ay sa isang liblib na barangay siya nagtungo kasama ang ilan sa kaniyang kasambahay at mga kaibigan.

Ang nasabing pamimigay ng pera ni Manny ay nakuhanan ng video ng kaniyang kasambahay na si David Sisson at naging viral ito sa social media. Naibalita rin ito sa mga telebisyon at talaga namang hinangaan ng marami ang pagiging mapagbigay ng Senador.




Makikita sa naturang video na nakahanay ng maayos ang mga tao at bakas na bakas sa kanilang mukha ang hindi matagong kasiyahan. Unang pinapila ang mga matatanda at binigyan ang bawat isa sa kanila ng tag-isang libong piso. Sumunod naman ang mga bata na inabutan ni Manny ng tag-limang daang piso. Iba pa ang kaniyang ibinigay sa mga tao sa lugar na mayroong sakit o di kaya naman ay may kapansanan.




Ayon kay Manny, ganoon na lamang ang kaniyang pagmamahal sa mga mahihirap dahil batid nito ang kanilang pinagdadaanan. Matatandaang nagmula rin sa pinakamababang estado ng buhay ang Pambansang Kamao hanggang sa palarin siya sa larangan ng pagboboksing at ngayo’y naglilingkod na rin sa bansa bilang isang Senador.


Tunay ngang ang taong marunong tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit ay patuloy pang pinagpapala ng Poong Maykapal. Salamat sa pagiging magandang halimbawa at inspirasyon sa nakararami Senator Manny Pacquiao!

+ There are no comments

Add yours