Nagtitinda Ng Fishball Nag-viral Dahil Naka-CCTV Ang Kanyang Cart
Nauso na sa mga establishments ngayon ang pag-iinstall ng mga closed circuit television o mas kilala bilang tawaging CCTV. Napaka-useful nga naman ng mga ito dahil nakakadagdag ng seguridad dahil narerecord nito ang mga activities ng iyong paligid.
Dahil sa pag-usbong ng mga cctv cameras, kaya marami ang mga pangyayaring nahuhuli sa camera. Tulad na lamang ng mga aks!dente, pagnanakaw, kalam!dad, illegal na gawain at kung ano-ano pang maisip niyo na maaaring ma-capture ng camera.
Kadalasan, ang mga cctv cameras na ito ay naka-install lamang sa mga gusali. Ngunit nang makita ito sa isang fishball cart ay talagang naging usap-usapan ito ng mga netizens sa social media.
Naging viral ang fishball vendor na ito dahil sa kanyang high-tech na gamit upang madagdagan ang seguridad sa kanyang maliit na tindahan. Natagpuan ang kanyang tindahan sa may Blumentritt, Manila at namangha ang mga bumibili dahil nga mayroong mga nakalagay na cctv camera sa kanyang cart.
Sa Facebook post na ibinahagi ng GMA News ay naglagay rin sila ng caption na:
“LOOK: Kakaibang fishball stand ang nakuhnan ni YouScooper Lee Royo Mingo sa Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila ngayong umaga. Si manong kasi, may nakakabit pang CCTV cameras sa kanyang munting tindahan! Mapapadalawang-isip ang may balak mandaya at baka sila’y ma-hulicam.”
Karamihan kasi sa mga fishball vendors ang nadadaya ng iilang mga customers dahil kunwari ay nagbayad lamang sila ng Php10 pero ang tinutusok nilang mga paninda ay sumosobra na rito. Kaya siguro naisipan ng nagtitindang ito na pa-installan ng camera ang kanyang maliit na business upang mahiya naman o mahuli ang mga iba na magpasobra sa binayad.
Ngunit mayroon namang mga netizens na nagsasabi na display lamang ni manong ang camera iyon dahil napakamahal magpa-install ng cctv lalo na pa’t kakailanganin pa yan ng wi-fi para maka-connect.
Gayunpaman, display man ito o hindi ay maganda itong ideya upang maprotektahan nga ang kanyang business. At para malaman ng mga customers na mayroong nakatutok sa kanila na camera kaya magdadalawang isip na hindi na sila mandaya, yun nga lang talaga natin alam kung totoong gumagana ba ito o hindi.
+ There are no comments
Add yours