Restaurant, Nagbibigay ng Libreng Pagkain Kapalit ng Basura!
Ang konsepto ng pag papalit ng iyong basura sa isang pagkain ay hindi naiiba. Ito ay nakaugalian na nga taong nakatira sa ibang parte ng Amerika at Europa, at kamailan lamang ay nakarating na rin sa Asia. Maraming mga nag susulputang mga “rubbish cafe” sa mga bansang ito at sa matatagpuan sa Cambodia ang pinaka unang rubbish cafe at malapit na itong gayahin ng bansang India. Ito ay ilalagay nila sa siyudad ng Ambikapur, Chhattisgarh sa kanilang pangunahing terminal ng bus.
Sa pangunguna ng kanilang munisipyo, isa lang ang nais nilang makamtan, ito ay bigyan ng pagkain ang mahihirap at mga taong walang permanenteng trabaho at bahay. Makakatulong ang pagkain na kanilang binibigay upang maging produktibo at makakatulong pa ang mga ito sa pag lilinis ng kanilang kapaligiran. Nais nilang isulong ang pag kukusang loob mula sa mga tao na mag kolekta ng basura at panatilihing malinis ang mga kalsada. Ginagawa nila ito para sa kapalit ng isang libreng pagkain (agahan, hapunan, tanghalian) sa bawat isang kilong basura na kanilang mabibigay sa munisipyo.
Iba iba ang mga garbage cafe sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa halip na itapon ang mga basurang nakoleta mula sa mga tao, ang gobyerno ng kanilang siyudad ay planong gamitin ang mga basurang plastik sa pag gagawa ng mga kalsada. Dahil ang mga kalsadang may halo ng plastic at aspalto ay napatunayan na hindi nababaha at lumalaban sa tubig.
Ang mga ito rin ay pinaniniwalaang mas tumatagal at mas matibay kumpara sa iba. Ang siyudad ng Ambikapur ay may kalsadang may halo ng plastik at aspalto at planong isakatuparan sa ibat ibang siyudad ng India. Plano din nilang palawakin ang proyektong ito para makapag patayo ng bahay para sa mga pulubi at walang kakayahang umupa o bumili ng bahay. Sa tingin niyo ba ay dapat na rin itong ipatupad sa Pilipinas?
+ There are no comments
Add yours