Taxi Driver, Nakatanggap ng 40K na Reward Matapos Magbalik ng Bag ng Isang Pasaherong Koreano


Alam naman natin ang katagang honesty is the best policy. Isang taxi driver ang nag sauli ng isang bag na puno ng pera, importanteng mga dokyumento, at iba pang personal na gamit sa isang foreigner. Wala siyang inasahang kapalit sa kanyang ginawang kabutihan. Ngunit, binigyan siya ng isang malaking pabuya pag katapos niyang isauli ang bag nito. Ang pangalan ng taxi driver na ito ay si Lino Beruico, siya ay mula sa Quezon City. 
Nadiskubri niyang may pasaherong naka iwan ng kanyang bag sa loob ng kanyang taxi. At dahil naka labas na ng taxi ang pasahero at hindi na niya ito mahanap, alam ni Beruico na kilakailangan niya ng tulong upang mabalik ang bag ng kanyang pasahero. Dahil dito, pumunta ang taxi driver na si Beruico sa TV5 para humingi ng tulong kay Raffy Tulfo. Noong ininspeksyon ang bag, nalaman na naiwan ng may ari ang kanyang passport, mga mahahalagang dokyumento, at perang katumbas na dalawang daang libong piso sa kanyang bag.

Marahil ay hindi natandaan ng foreigner ang plate number ng taxi ni Beruico at pwedeng pwede ibulsa ni Beruico ang kanyang pera para sa kanyang pang sariling kapakanan. Ngunit, ang taxi driver na ito ay matapat at hindi kaya ng kanyang kunsensya na pakainin ang kanyang pamilya gamit ang perang pinag hirapan ng ibang tao. Ngunit nag bunga ang pagiging matapat ni Beruico. Napag alamanan na ang foreigner na ito ay si Yeong Seon Cho, anim na pu’t pitong taong gulang na mula pa sa Incheon, South Korea. 
Akala niya ay hindi na niya mahahanap ang kanyang bag na may lamang pera at iba pang kanyang mga pang personal na gamit. Kaya naman kumuha ulit siya ng panibagong passport para maka abot sa kanyang business trip sa South Korea. Pag katapos mahanap si Yeong Seon Cho, binigyan niya ng pabuya ang taxi driver dahil sa kanyang katapatan. Dahil sa nangyari, binigyan niya ng apat na daan libong piso ang driver. 

1 comment

Add yours

+ Leave a Comment