Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak



Bilang magulang ay nais mo lamang na maibigay ang lahat ng makakabuti sa iyong anak. Ngunit minsan, dahil sa kagustuhan mong maibigay sa kanya ang lahat ng kanyang pangangailangan ay nagiging spoiled na sila.
Kaya naman kapag hindi nila nakukuha ang kanilang gusto ay pinagdadabugan ka nila o di kaya ay hindi pa sila marunong magpasalamat. Kaya naman ang isang ina na ito ay nagviral matapos niyang turuan ng napakaimportanteng leksyon ang kanyang anak na babae.
Kwento ng ina na si Haley Hassell sa kanyang Facebook post ang natutunang leksyon ng kanyang anak sa araw na iyon. Bilang isang magulang ay nagsusumikap si Haley na magtrabaho upang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang anak. 
Hiniling ng anak na ibili siya ng LOL pencil case. Kaya naman sinikap ni Haley na makabili noon. 
“I went to 3 different stores to get that LOL pencil box you see in the trash there.”

Tila pinaghirapan talaga ng ina na maibili niya ang kanyang anak ng ganoong pencil case. Ngunit noong sinorpresa at ibinigay niya ito sa kanyang anak ay isang di kanais-nais na reaksyon ang natanggap niya mula rito. 
Imbes na matuwa ang kanyang anak ay nag-tantrums ito at nagsisigaw na,
“That’s stupid, everyone in my class has that. I don’t want it anymore.”

Noong oras na iyon ay tila kumulo ang dugo ni Haley ngunit pinigilan niyang pagalitan o sigawan ang anak. Sa halip ay kumalma lamang siya at naghanap ng ibang alternatibong pencil case. At pagbalik niya ay dala-dala niya ang isang ziplock at saka nilagyan ito ng pangalan na Presleigh’s Pencil Bag.

Noong mga oras na iyon ay na-realize ng bata na mas gusto na niya ang ibiniling LOL pencil case sa kanya ngunit huli na ang lahat. Pinakuha ni Haley sa kanyang anak ang pencil case na itinapon nito sa basurahan at sinabi na bukas na bukas ay maghahanap sila ng isang bata na pagbibigyan ng kanyang itinapon na bagay. 
Ibibigay nila ito sa isang bata na kung saan ang mga magulang ay hindi siya kayang ibili ng ganoong bagay. 
Kaya naman simula noon ay gagamit na lang ang kanyang anak ng ziploc para paglagyanan ng mga lapis. At nawa’y magsilbi itong leksyon sa bata na maging mapagpasalamat sa lahat ng bagay na natatanggap. 
Source: Facebook

+ There are no comments

Add yours